2
"Studyante ka kuya?" Tanong ko. Pababa na kami.
"Wag mo na kong i- 'po'. Kaizer na lang. Nagtatrabaho na ko"
"Ano po--sorry, ano work mo Kaizer?"
"Architech" mahinang sagot niya.
"Weh?"
"Oo nga"
"Dumadami kayo pag summer" natatawa ko.
"Madaming kasing gumagraduate"
Di niya na gets.
"I mean madami ang nagiging instant arki pag summer. Puro plano ng gala pero hanggang drawing lang naman. Di magawang kulayan"
Nagtatampo pa rin ako sa mga nagyaya sakin. Paasa talaga.
"Hahaha. Oo madami nga niyan. Nabiktima ka na ba?"
"Kaya nga nag iisa ko ngayon eh"
Mabilis lang ang pagbaba. Medyo nakakatakot lang na gumulong.
May comfort rooms sa ibaba. Malagkit at maalikabok na ang katawan ko buti na lang may paliguan dito.
Pagkatapos makapag ayos, pinuntahan ko na yung sasakyan ko. Nawala na rin si Kaizer, kahit yung mga kaibigan niya di ko na nakita.
Pagsakay ko sa pick up. Kinuha ko ang notebook. Nilagyan ko ng check mark ang Pag akyat ng bundok na life goal.
Ang sarap sa feeling. Ang saya!
Masakit na ang buong katawan ko. Umuwi na rin ako.
Kumikirot ang binti ko hanggang paa.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Ito na kasi ang body clock ko. Nakasanayan ko ng maagang gumising kahit late na kong natulog kagabi.
Hindi ako makabangon. Parang may aftershock pa yung legs ko sa biglaang pag climb.
Kinuha ko ang camera at tiningnan ang mga pictures na nakunan ko.
Ok yung iba. Maganda ang shot. May pagka frustrated photographer din kasi ko. Iba kasi ang nagagawa ng camera. Nakukuha nito yung mga moments na di na pedeng ibalik ng oras at sa paglipas ng panahon, ito yung nagiging time machine para balikan ang mga alaalang minsang bumuo satin.
Nakita ko si Kaizer sa ibang pictures. Stolen. Parang photo bomber lang. Zinoom ko ang isang kuha niya.
Naka eyeglasses, clean cut ang buhok, malinis tingnan, sakto ang built ng katawan at uhm...may itsura.
Napangiti ako nung naalala ang pagiging fc niya... o friendly?
Ok din pala ang mag isang gumala. May nakikilala ko unexpectedly.
Pinilit kong bumangon dahil gutom na ko. Ngayong araw parang gusto kong humiga maghapon--At yan nga ang ginawa ko.
After two days. Normal na ulit ang binti ko. Nakakabit pa pala siya. Akala ko humiwalay na.
Naisipan ko ulit mag roadtrip dahil ayoko ng ma-bored sa bahay. Baka tubuan ako ng kahoy at semento at maging taong-bahay.
Kung anong dala ko noon, yun pa rin ang bitbit ko. Except sa damit kasi madumi na.
Huminto ako sa isang mall sa Cubao. Ala lang. Maglalakad-lakad.
Tumitingin lang ako sa mga store pero hindi naman ako bibili.
Sa isang shoe store nakita ko yung pamilyar na mukha. Nilapitan ko.
"Hi" bati ko kay Kaizer.
Binalik niya sa lalagyan yung hawak na sandals.
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?