10
The next day...
Nilibot ko mag isa ang resort. May mahabang zipline, may hanging bridge, may pang camping churva, at maraming puno. Fresh ang hangin. Away from stress!
"Marie!" Tawag sakin ng pamilyar na boses. Ayoko nga ng tinatawag na Marie eh! "Zipline oh"
Out of nowhere sumulpot siya. Kabute yata to.
"Arman! Pau ang name ko. At nakikita ko ang zipline. Di po ako bulag"
"Sungit mo. Meron ka ba?"
Wala.
"Dami mong alam ba't di ka mag teacher"
"Di na kailangan..." humina ang boses niya. "Teacher kasi ang future ko"
Yun ang pagkakarinig ko. Ito yung 'Huh?' Moment. Ano daw?
"Kamusta sugat mo?" Tanong niya.
"Magaling na. Praktisado ang mga soldier blood ko"
"Nosebleed" nagtakip siya ng ilong.
Napailing ako.
"Zipline na lang tayo" hinila ko siya at umakyat kami sa platform.
Life goal ang zipline. Ang haba pa nito. Nakakatakot na nakaka excite.
Inayos ang harness at helmet namin. Superman position para dama ang thrill. Waaaaah! Ang taas pero ang ganda kasi madaming puno.
"Langya! Ganito pala to. 'Yoko na" sabi ni Kaizer na pinagpapawisan.
Natawa ko sa itsura niya.
"Anyare sayo? Kebs mo naman ang height sa cliff diving tapos yung zipline aatrasan mo?"
Pinunasan niya ang pawis niya. Naka position na ko. Si Kaizer nasa platform pa din.
"Tara na!" Sabi ko sa kanya "Ikaw ang nagsabi na conquer your fears tapos ikaw 'tong natatakot"
"Hindi ako takot"
Ego. Pagbigyan.
"Safe ba yan, kuya?" Tanong ni Kaizer sa nagkabit samin ng harness. Sumagot ito ng 'oo'. Wala pa naman daw naaaksidente doon. Kami ang una. Charot.
"Magkasama naman tayo" ni-recycle ko lang ang lines niya nung natatakot sa cliff diving. Ngayon siya naman ang takot.
Lahat talaga may fears sa katawan. Dami kong nadi-discover kay Kaizer. Pasimple ko siyang tiningnan kasi halatang takot siya. First time!
"Kaizer!" Tawag ko. "Pasko na nandito pa rin tayo"
"Eto na nga" kinabit na yung harness sa line. Naka superman position din siya.
Niready na kami ng staff ng zipline.
Nakapikit si Kaizer. Grabe, may fear of heights din pala siya? Pero sa cliff diving parang wala.
"Kaizer, buhay ka pa ba?" Nag aalala kong tanong. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
Nag thumbs up siya pero nakapikit pa din.
Hinawakan ko ang kamay niya. Malamig.
Binuksan niya ang mata niya at tumingin sakin.
"Tulad ng sinabi mo nung nag cliff diving tayo..." pinisil ko ang kamay niya "magkasama tayo"
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
Ni-release na ng staff ang rope namin kaya bumulusok kami. Ang bilis! Ang lakas ng hangin!
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?