9

Labo ni Kaizer. Kumanta lang naman siya. Pinakita sigurong maganda din ang boses niya. Pero di ko pa rin gets. Passenger's seat yung kanta. Oh tapos?

Anyway, narating namin yung lugar. Nag-hire kami ng guide. Medyo mapuno kasi ang daan, parang ka din aakyat ng bundok para marating ang cave. Along the way may madadaanan daw na ilog at waterfalls.

May mga nakasabay kami sa pagpunta sa cave.

Naglakad kami ng bonggels!

"Bago shoes!" Napansin ko kasing suot na niya ang sapatos na binili niya sa mall. "Binyagan na yan!"

Tatapakan ko sana kaso iniwas niya.

"Wag naman. Maluluma agad"

"Kailangang binyagan para magtagal"

"Hahalikan kita pag tinapakan mo ko"

Weh?

"Di nga?"

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napatakip ako ng bibig. Gusto ko memorable ang first kiss ko. Hindi yung ganto.

"Try me" seductive ang boses niya.

Jeske, wag po!.

Umatras ako tapos naglakad ng mabilis habang nakatakip pa rin sa bibig ang kamay ko.

"Hoy, bakit ka tumakbo?" Habol niya sakin.

Inirapan ko siya.

"Ba't mo tinatakpan ang bibig mo? Ikaw ah"

"Sapak gusto mo?" Tinanggal ko na ang kamay ko na nakaharang sa bibig ko.

Tumawa siya tapos inakbayan niya ko sa balikat.

"Ang bigat ng braso mo" reklamo ko sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko.

"Ang steep ng daan. Baka mamaya madulas ka diyan"

"Anong konek?"

"Para pag nadulas ka o mahulog eh masasalo kita at maaalalayan"
Kung sakali bang mahulog ako sayo, sasaluhin mo pa rin ba ko? Gusto ko sanang sabihin.

"Pa-gentleman ka pa" Biro ko.

Nagsalita yung guide namin. Malapit na daw kami. Nakikita ko na ang cave. Humakbang ako, may natapakan akong madulas na bato.

"Ouch!" Plakda. Tumama yung binti ko sa matulis na bato dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan. 

"Pau!" Inalalayan niya kong umupo. "Kasasabi lang kasi. May sugat ka"

Dumudugo pa nga. Naka shorts lang kasi ko.

"Galos lang" pero masakit. Di naman malakas ang pagdugo at tolerable naman.

"Bubuhusan ko ng tubig para kahit papano ma-disinfect"

Binuhusan ni Kaizer ng tubig yung sugat ko tapos pinunasan niya kaya hindi na gaanong nagdudugo. Tinalian niya din ng panyo.

Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa niya yon. Another points Kaizer! Dahil sa ginagawa mo lalo akong nahuhulog.

Kakaiba pala pag may taong nagce-care sayo maliban sa family mo. Feeling loved tuloy ang drama ko.

"Kaya mong tumayo?" Tanong niya pagkatali ng panyo.

Dahan-dahan akong tumayo. Inalalayan pa rin niya ko.

Tinanong ako ng guide kung ok pa ko. Sumagot ako ng 'oo'.

"Sigurado ka?" Tanong ni Kaizer.

"Naman! Galos lang to, malayo sa puso"

FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon