12
Bangag. Lutang. Sabaw.
Hindi na naman ako nakatulog kaya lumulutang ang utak ko. Torture kasi si Kaizer! Hindi naman ako mentalist para malaman yung laman ng isip niya. Kung sa kanta ko ibe-base ang ginagawa niya, sasabihin kong may something siya. Pero ilang beses ko bang dapat sabihin na ayokong mag assume. Ako nahihirapan eh.
Umuwi na kaya ako? Eh bakit ako uuwi? May mga balak pa kong puntahan. Sumama lang naman siya sakin...ay mali...ako yata ang sumama sa kanya.
Ah, basta!
Babatukan na talaga kita Kaizer! Ginugulo mo ang sistema ko!
Nag pack na ko ng gamit. Uuwi na ko! Final answer.
Tinext ko si Kaizer. Di nagreply. Maaga pa kasi baka tulog pa.
Palabas na ko ng resort nung nakasalubong ko yung classmate ko nung high school. Siya yung palaging escort noon, ang daya bakit hindi naluluma ang kagwapuhan nito?
"Uy, Pau. Musta?" Tanong niya " sinong kasama mo?"
"Uuwi na" sagot ko.
"Ha?"
"Pauwi na ko"
"Lutang ka" sabay tawa.
Ano ulit? Ano ba tanong niya?
"Ano tanong mo?"
"Hahaha. Ok ka lang ba?"
Nakakahiya. Baka akalain nito slow pa din ako. Dati kasi slow talaga ko. Yung tipong bago ko magets ang joke eh tapos na silang tumawa. Oh diba delayed.
"Puyat lang" sabi ko.
"Coffee muna tayo ng magising ka"
Magising sa katotohanang mahal ko na nga yata si... nevermind.
Bumili siya ng dalawang kape at ininom namin yon habang naglalakad sa front beach.
"Musta na? Kelan ang reunion ng batch?" Tanong ko.
"Mag set kaya kayo" huminto siya sa paglalakad. "May asawa ka na ba?"
Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.
"Asawa? Haha. Boyfriend nga wala ako, asawa pa. Mga tanong mo ah"
"Yung mga ka batch kasi natin na na-instant reunited ko sa bus o jeep may asawa na. Tsk.tsk.tsk. Pati yung crush ko noon may anak na" napapailing siya.
Natawa ko.
"Sira ka"
Umupo kami sa isang kubo na kita ang dagat.
"Seryoso, ang ganda mo ngayon"
Naks! May nabiktima ang ganda ko.
"Oh, baka ma-in love ka pa sakin niyan"
"Pwede! Single ako, single ka. Tara! Bawasan natin ang single sa mundo"
"Baliw!"
Tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kaizer.
"Excuse" sabi ko at lumayo muna para sagutin ang tawag.
[Pau! Nasan ka? Umuwi ka na ba?]
"Nasa" ano Pau? Di ba iniiwasan mo siya? "Nasa front beach pa. Pero pauwi na rin ako mayamaya"
Di mo pala kayang panindigan ang pag iwas sa kanya. Bwahaha.
Shut up, self!
[Bakit biglaan? Saan ka exactly?]
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?