5
Napalunok ako.
"Pa-fall" sabay tingin sa daan.
"Na fall ka ba?"
Hindi noh. Wag ka lang ngingiti.
"H-hindi. Ganyan ang mga lines ng mga lalaking sa umpisa lang"
"Based on experience?. Ibahin mo ko"
"Sabi mo eh"
"Pero seryoso, di naman talaga ko naniniwala sa ganon. Alam mo ba nung high school ako, gustung gusto kong kontrahin yung teacher ko sa english na nagtuturo ng greek mythology dahil di ko makuha kung pano nagkasya sa Mt. Olympus ang tropa ni Zeus. Ang daming tanong na wala naman sa libro ang sagot"
"To see is what you get. Ano bang pake mo dun. Di ka naman nila pinipilit na maniwala. Myth nga eh"
"Pero yung soulmate. Siguro, nag e-exist sa reality. Hindi naman pag sinabing soulmate eh destined na kayo. Yung parang parehong pareho kayo. The way kayo mag isip, o pareho yung trip niyo. Yung parang another version ng sarili mo."
Napa smirk ako.
"At nakikita mo ang sarili mo sakin? Dapat ba kong ma-flattered?"
"Pwede rin. Dapat nga proud ka pa kasi ako soulmate mo"
"Huwaaaw! Talaga nga naman. Hangin paaa!" Insert sarcasm here.
Pininch niya ang nose ko.
"Cute mo!"
"Nagda-drive ako!"
Pero shems! Ano bang nangyari? Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Natahimik siya saglit. Nagpatuloy ako sa pagda drive.
"Ano to?" Tanong niya.
Nakita kong hawak niya yung blue notebook na puro kakornihan ko.
Kinuha ko agad at nilagay sa may pinto sa side ko.
"Wag ka ngang galaw ng galaw diyan"
"Nagtatanong lang. Ano ba nakasulat diyan?"
"Pautang!"
"Patingin nga" pilit niyang inaabot pero hinaharangan ko.
"Wag kang magulo baka mabangga tayo!"
"Titingnan lang"
"A-Y-O-K-O. kuha mo?"
Nag hands up siya.
"Fine!"
Pinigilan kong ngumiti. Para siyang bata.
Tagaytay.
"Anong magandang gawin dito?" Tanong ko. Binuksan ko ang bintana. Ang lamig ng hangin. Sharaaap!
"Sky ranch tayo"
"Gusto ko yan. San ba yun?"
"Ako naman magda drive"
"Ako na. Turo mo na lang yung way"
"Wala ka bang gps?"
Luma na yung pick up na to kaya di na namin pinalagyan ng gps. Patapon na nga eh kaso umaandar pa sayang naman.
"May nakikita ka?"
"Sungit ah"
"Liliko ba tayo?" Tanong ko kasi may intersection.
Sinabi niya yung daan hanggang sa narating namin ang Sky ranch.
Na excite ako! Isa sa mga goals ko ay sumakay sa one of the highest ferris wheel.
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?