1
Chineck ko ang laman ng backpack ko. Kumpleto na. Oopps, yung notebook. Kinuha ko sa table at nilagay sa bag ko.
Sinuot ko ang converse na sapatos bago lumabas ng kwarto ko.
Sinukbit ko ang backpack at Dslr sa balikat ko. Kinuha ko ang susi ng lumang pick up namin at dumiretso sa garahe.
"Ate!" Tawag ng kapatid ko na may dalang bag. May lakad din 'to. "San ka pupunta?"
"Hahanapin ang sarili!" Sagot ko at sumakay sa pick-up.
Sa pamilya namin, pag naka graduate ka na at may stable na trabaho, hindi ka na paghihigpitan ng parents.
Pinaandar ko ang sasakyan. Wala akong siguradong destinasyon. Kung san lang mapadpad. Random roadtrip.
Ayoko na munang magyaya ng makakasama dahil naaasar lang ako, di matinong kausap. Kaya eto, gagala ako mag isa. Magso-soul searching. Naks!
Binuksan ko ang radyo. Chill lang.
Tumunog ang phone ko. In-open ko ang message. Madami pala kaya messages. Ngayon ko lang kasi naalala na may cellphone nga pala ko. Binasa ko ang texts.
'Pau, swimming tayo. Game?'
Ayan na naman sila. Nag reply ako.
'Pag may kulay na yung swimming, gora'
In-open ko yung isa pa.
'Di na ba tuloy yung Palawan? Daya naman oh!'
Nag reply ako.
'Labong kausap eh'
In-open ko ang last message.
'Teacher Pau, magsa-summer ka?'
Yung co-teacher ko.
'Hindi po muna' reply ko.
Oo, teacher ako pero hindi halata. Haha. Sa isang private school ako nagtuturo. Elementary level. Three years na din. Mahirap sa una pero eventually masasanay ka rin sa hirap.
Ako pala si Pauline. Pau na lang. 25, at maraming life goals sa buhay. Weird, at weird ulit. Haha. Sabi sayo eh, bigla na lang akong tatawa kahit ang babaw. Single since birth. Oo, since birth! Saklap noh? Pero ok lang kasi bata pa naman ako para problemahin ang pagiging single ko. Sa mga grade concious na magulang palang eh quota na ko sa stress kaya ayoko ng idagdag na isiping single ako.
Pero syempre may times na napapaisip ako kung meron nga bang tao na para sakin. Lalo na sa propesyong ito. Sana meron. Ayokong tumanda na nag iisa.
Habang nasa highway, naisip ko na kung saan ako pupunta. Aakyat ako ng bundok. Tutuparin ko ang isa kong life goal. Biglaan, di ba? Ang motto ko kasi, kung kaya mong gawin ngayon, gawin mo na. Para kung mamatay ka man ngayon, wala kang pagsisisihan.
Nagsearch ako sa internet ng bundok sa south. Sa Batangas madami. At dahil beginner lang ako, dun muna sa mababa at madaling trail.
Nagpa gas ako at pumunta sa bundok na aakyatin ko. Mas masaya sana 'to kung kasama ang kaibigan pero ang labo nila. Wala naman akong lover kaya ako na lang.
Ito ang maganda pag summer, walang traffic! Ang sarap bumyahe. Mabilis akong nakarating sa registration area at pinark ang sasakyan ko doon. Binitbit ko ang backpack at camera ko. Let the adventures begin!
Naghihintay ako sa mga nagpapa register pa. May isang grupo na magbabarkada at isang couple. Wow ah, ako lang ang nag iisa dito na walang kasama. Ito yung mga moments na ayoko talagang tumandang mag isa.
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?