7

Late na kong nakatulog dahil sa iniisip ko ang mga sinabi ni Kaizer kagabi. Alam mo yung nagtatalo yung assuming side mo at yung thinking na baka totoo. Malay ko bang ganito pala ang masabihan ng ganun? Kaya ang epekto, eyebags!

Bumangon ako at nag shower. Sakto! may malinis na damit pa ko. Nilabhan ko na din yung madudumi kong damit at sinampay sa maliit na terrace ng kubo.

Nag shorts at plain shirts lang ako at syempre ang matibay kong converse. Haha.

Gutom na ko. Binuksan ko ang ref. Soda lang ang laman at yung ice cream ni Kaizer.

Lumabas ako ng room. Hahanap ako ng kainan.

Ang ganda pala talaga dito. Yung nakita ko lang kasi kahapon eh yung lobby at yung dinaanan namin papuntang room.

May resto along the beach kaya gumora ko doon.

Puro seafoods. Yumyum!

Umorder ako at pumwesto na tanaw ang dagat. Grabe ang ambiance, thumbs up!

Hindi ko na naimbita si Kaizer kasi nga nahihiya ako. Ako pa talaga ang nahiya sa mga pinagsasabi niya noh? Eh basta! Ganda ko kasi. Char!

Kasalukuyan akong kumakain nung may naglapag ng pagkain sa tapat ko. Umupo siya.

Speaking of!

"Kaizer?" Naubo ko. Ininom ko ang juice.

"Yayayain sana kitang mag breakfast kaso walang sumasagot sa room mo. Cannot be reach din ang phone mo. Yun pala nandito ka na"

"Hehehe" anong tawa yan Pau? Text? "Akala ko kasi tulog ka pa kaya di na kita ginising"

"Di nga ako nakatulog eh" tumingin siya sakin "iniisip kasi kita"

Inubo na naman ako. Umagang-umaga oh.

"Juice?"

Uminom ako ng juice. Kagabi ka pa! Diretsuhin mo na kasi ko hindi yung pinag iisip mo pa ko sa mga banat mo.

"Kaizer Arman" sumeryoso ko "kagabi ka pa. Ano bang gusto mong sabihin?"

"Kaizer lang. Wala ng Arman" tapos tumawa siya. Bat ba siya tawa ng tawa? "Ang cute kasi ng reactions mo! Hahaha. Naniniwala ka ba sa mga sinabi ko kagabi?"

So hindi totoo yon?

"Gotcha!" Sabi pa niya.

"Pinagtripan mo na naman ako!" Hinampas ko siya sa braso with full force.

"Awww!" Hinawakan niya yung parte na hinampas ako "dama ko ah"

"Loko ka" pinag isip mo pa ko kagabi yun pala pang asar lang.

"Naniwala ka?"

Hindi ako sumagot. Inubos ko na lang ang pagkain ko.

"Hahahaha. Pau, crush mo ko noh?"

Nilakihan ko siya ng mata. Assumero din to eh. Kahit totoo ang sinabi niya.

"Hangin!"

"Aminin mo na. Na fall ka na sakin?"

"Gusto mong ibato ko sayo 'tong sipit ng alimango?" Bukol ang abot mo dito.

Nag hands up siya.

"Sige na nga...mahal na kita"

Swear! Napatulala ako sa kanya.

"HAHAHHHA. joke"

Binato ko sa kanya yung sipit ng alimango pero nakailag siya. Sayang.

FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon