4

Malakas pa rin ang ulan.

"Uwi na tayo. Gabi na" sabi ko pagkabihis namin. May Cr dito pero may bayad. Dun kami nagbanlaw at nagbihis. Buti talaga may dala kong damit.

Niligpit namin yung mga gamit at patakbong pumunta sa sasakyan.

Nagpupunas ako ng basang parte ng katawan ko pagkapasok sa pick up. May tumapat na kotse sa side. Si Kaizer.

Binaba ko yung window.

"San ka?" Tanong niya.

"Bulacan"

"Malabon ako. Masyadong malakas ang ulan. Di na madaanan yung ibang daan"

Patay tayo diyan.

"Pano mo nalaman?"

"'Matic na yon"

Hala, climate change naman kasi oh. Summer tapos malakas ang ulan. Hanobanaman!

"Try ko pa din"

"Tawagan mo ko pag nakauwi ka na"

"Wala po akong number mo. Tsaka kaya ko sarili ko, okay?"

Nag ring yung phone ko. Unknown number. Sinagot ko kahit alam kong si Kaizer to.

Pagkapindot ko pa lang ng receiver nagsalita na siya.

"Eto number ko" sabi niya

Napatingin ako sa kanya na nakatapat pa din ang phone sa tenga.

"Okay" yun lang ang nasabi ko.

Ganto yung mga napapanuod ko sa movies eh. Hahaha.

"Mauna ka na. Ingat sa pagda drive" sabi pa niya.

Bakit kinikilig ako? Pau! Wag ka nga!

"I-ikaw din. Bye" at binaba ko na yung phone.

Nag stutter pa.

Sinarado ko na din yung window at pinaandar ang sasakyan. Nasa likod ko lang ang kotse ni Kaizer dahil pareho kami ng way.

Narating ko yung daan na baha na. Natatakot akong i-abante ang sasakyan ko baka mamatay ang makina at ma-stranded ako dun.

Di na ko nag try. Hahanap na lang ako ng hotel na mura.

Tinawagan ko si Kaizer. Nasan na kaya yung isang yun? Wala na siya sa likod ko. Nag ring.

"Hello" sagot niya. "Nakauwi ka na?"

"Di pa nga eh. May alam ka bang murang hotel?"

Ang bagal naman ng internet kaya hindi ako makapag search.

"Kung gusto mo dito ka na lang din mag check in. Di rin ako makauwi. Nasan ka ba?"

Sinabi ko kung nasan ako tapos binigyan niya ko ng direction kung nasan yung sinasabi niyang hotel.

Narating ko yung sinasabi niya. Pero hindi naman to hotel. Motel to eh. Langya, kinabahan naman ako.

Pumasok ako sa loob ng motel. Dun sa maliit na lobby niyakap ko yung backpack ko at ni ready ang pepper spray.

"Pau!" Nilapitan ako ni Kaizer. "Sabi sayo baha na eh"

"Bakit motel? Sabi ko hotel. Ho-tel"

"Sabi mo yung mura. Dito mura, nakita ko sa labas yung promos nila. 300 pesos lang. At isa pa, option lang 'to. Kung gusto mo meron pang malapit dito. Ako kasi ok dito"

Hindi ko alam kung seryoso siya sa pagka inosente ng pagkakasabi niya non.

"Madalas ka siguro dito"

FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon