8
Nag aayos na ko ng gamit kasi magche-check out na kami mamaya.
Hinahanap ko yung notebook ko na puro kakornihan ang laman. Nasan kaya yun? Binaligtad ko na ang bag ko, waley naman. Wala din sa pick up.
Hala! Baka kaya binasa ni Kaizer? Waaaag naman sana. Parang diary ko kasi yun dati. Except sa mga life goals ko eh may nakasulat pa dun about sa mga crushes ko, meron pa ngang nakalagay na ideal boyfriend ko.
Oo may ideal boyfriend naman ako kahit di pa ko nagkakaroon non at kahit alam kong di totoo ang mga ideal na yan. Bata pa ko non. Ngayon, narealize kong iba pa rin ang reality at yung bibigay ng langit.
Nakakatawa lang na nagpapaniwala ako sa mga napapanuod kong love story dati. Yung tipong may harana, love letters, yung may effort. Ganyan ko gustong ligawan ako. Old way. Ewan ko lang kung may gagawa niyan sakin. Mas maganda pa rin kasi si Anne Curtis ng tatlong paligo sakin. Inaayon sa ganda.
*knock *knock
Tapos nagbukas ang pinto. Sumilip si Kaizer.
"Done?" Tanong niya na dala ang gamit niya. Tanghali na rin kasi.
"Lapit na. Nakita mo yung notebook ko na blue?"
Pumasok siya.
"Yung listahan ng pautang?" Sarcastic niyang tanong at umupo sa kama ko.
"Oo"
"Hindi eh. Di ba nilagay mo sa pick up"
"Wala dun. Oy baka tinago mo" siningkitan ko siya ng mata. Feeling chinita.
"Whoa, kung ikayayaman ko yun, may chance na kunin ko yun" sagot niya.
Tiniklop ko na lang ang damit ko at nilagay sa bag. Hahanapin ko na lang ulit sa pick up.
"Anong cup size mo?" Tinaas niya ang isang bra ko "bakit ang liit? Baby bra?"
Bah! Bastos to ah! Baby bra daw.
Mabilis kong kinuha yung bra."Daming alam!" Tinulak ko siya palabas ng room ko "labas na. Hintayin mo na lang ako sa lobby. Liligpitin ko lang to. Saglit na lang. Chupi"
"Teka"
"Chupi!" Sabay lock ng pinto.
Mga lalaki talaga. Tsk. Aaminin ko naman na maliit yung akin. Kung ano ang depinisyon mo ng maliit, yun na yon! Tama na, masakit na.
**
Nasa kalsada ulit kami. Siya ang nagda-drive. Napagkasunduan naming mag nature trip. Yung puro puno pero nakaka relax. O kaya yung papasok kami ng cave. Mga ganon. Mas enjoy yun kesa mag swimming lang ng mag swimming. Mas masayang makita kung gaano kaganda ang mundo...o ang lupang tinatapakan mo. Deep.
"Pau"
"Bakit?"
In-open ko ang radio para may music.
"Walang nanliligaw sayo o ayaw mo lang talaga?"
"Paulit-ulit ka. Wala ngang nanliligaw"
Nilipat ko yung station sa radio. Naghahanap ako ng chill songs para maganda.
"Pano kung meron? Manhid ka lang"
Natawa ko.
"Manhid? Haha. Pano ba malalaman na nanliligaw ang lalaki? Eh wala namang nagsasabi sakin na manliligaw sila. Mahirap na noh, expectations lead to disappointment. Mamaya nag e-expect lang pala ko"
"Actions speaks louder than words"
"Pano ba? Ikaw ang lalaki eh"
"Ano...pag lagi ka niyang hinahatid, pag nag e-effort siya, mararamdaman mo naman yun"
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?