Chapter 7: 3 (malas) months

5.8K 88 4
                                    

Chapter 7: 3 (malas) months

Julie's POV

Ngayon na talaga ang start ng 3 months na kasama ko si Elmo. Hay nako! Sakit na naman sa ulo ang dala nito.

Ang aga aga bwiset na naman ako! Paano ba naman hindi ko naayos yung orasan ko sa bahay kung kahapon napaaga ngayon naman nahuli kaya na late ako ng gising. Nagiistart pa lang ako sa kamalasan ko, paggising ko lang naman, wala na si Elmo at Ellie sa bahay, nagiwan na lang sya ng note na mauna na daw sila sa school. Hindi pa nga ako nakain eh! Kasi late na ko!

Ito pa, paalis na dapat ako kaso may naiwanan ako sa bahay buti na lang hindi pa ako nakakalayo, kinuha ko yung folder ko para sa project namin, kaso pagbalik ko sa car ko bigla na lang ako nasiritan ng tubig nung letse naming kapitbahay! Nabasa pa yun folder ko! Bumalik na naman ako para magpalit, gagawin ko na lang mamaya ang project ko.

Hindi pa ako tapos, nasa gitna na ako ng pagdadrive at sa daan papuntang SJU ng biglang pumutok yung gulong ng kotse ko! Malas talaga! Wala pang masakyan eh late na late na ako, hindi ko naman pwede mamiss yung 3rd subject kasi importante yun, pwede ako ibagsak ni Ma'am. No choice! Naglakad na lang ako! Kahit malayo 15 mins pa bago ako makarating dun! Tsagain ko na lang kesa naman maghintay ako ng 1 hour sa kakahanap ng masakyan, ganun talaga dito pahirapan kailangan may kotse ka talaga. Buti na lang wala si Ellie mas mahirap maglakad pag may buhat buhat akong bata. See how hard my life is?

Meron pa! Hindi pa tapos ang kamalasan ko. Pagdating ko sa school ko, naglalakad ako sa may hallway ng bigla na lang may bumato sakin ng libro! AAHHHH!! Bwiset! Ang sakit kaya nun! May hinahabol kasi yung schoolmate ko na nadaan ko, hinahabol nya yung isa kong schoolmate na dapat babatuhin nya ng libro kaso ako ang natamaan. Sana hindi ako magkabukol!

Ito na ang last! Medyo nahihilo pa nga ako gawa nung libro na binato sakin Papasok na ako ng classroom eh, nakahawak na ako sa door knob ng biglang bumukas yung pinto at... Nauntog na naman ako! Kaso nawalan ako ng malay.

Andito ako sa clinic ng school, masakit ang ulo at may hawak na yelo, hindi yung literal na yelo yung nasa ice bag. Nakahiga, habang kinukwento ko sa inyo ang mga nangyari saking kamalasan kanina. After 3 hours nagising na ako. Buti nagising ako, namiss ko yung 3rd subject. Ang malas siguro ng month na toh!

"Okay ka na, Julie? Sorry talaga. Hindi ko alam na andun ka pala sa may pinto." Sabi ni Yassi. Palabas daw kasi sya nun, nagmamadali kasi sya kasi naiihi daw sya, eh napalakas yung pagbukas nya ng pinto kaya ayun. Ganun pala kalakas magbukas ng pinto si Yassi, nakakawala ng malay. Nagkabukol tuloy ako! Buti na lang hindi ako nagkaamnesia ulit.

Ang sakit sakit ng ulo ko! Hindi pa ata matatapos ang kamalasan ko eh, maaga pa eh, may hapon at gabi pa. Ano na lang gagawin ko?! 

"Masakit pa ba?" Ano ba naman yang tanong na yan?! Ano kaya sa tingin mo Yassi?!

"Hindi, hindi! Hindi masakit! magkakabukol ba ako kung hindi masakit?!" Nakakapanginit ng dugo eh! Hindi ba halata na nasaktan ako?! Nawalan nga ako ng malay diba?!

"Okay! Chill kalang, high blood ka na kagad eh." Sabi ni Yassi.

"Sinong hindi mahahighblood sa tanong mo?! Nakita mo na nga yung tao ng may hawak na yelo at may bukol hindi pa ba halatang nasaktan yun?!"

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon