Epilogue:

3.1K 60 3
                                    

Epilogue:

Bakit kung kailan maayos na ang lahat tsaka pa magugulo? Nasira? Nawala? BAKIT? Ano bang ginawa ko para mawala sya sakin?! Bakit kailangan nila akong iwanan?!

"Bakit?!"

Nakakainis! Nakakabwisit! Bakit ba nangyayari ang mga ganitong bagay?! Bakit sakin pa?!

"Bakit Julie Anne?" 

Ayoko na! Nakakainis! Nakakagalit! Nakakasawa na! Masyado na akong naghihintay sa taong kailan man ay hindi na babalik pa sa buhay ko! Kasi wala na sya!

Gusto ko nang matapos ang mga problema ko! Gusto ko nang lumaya sa nakaraan ko! Kaya ngayon tatapusin ko na dahil ngayon wala na akong kikilalanin pa. Umupo ako sa may bench malapit dito sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko ang tahimik na lugar na ito, ang magagandang ulap na nagkukulay kahel na at ang napakagandang palubog na araw. Ito na ang huling beses na iiyakan kita pero hinding hindi kita kakalimutan.

"Elmo?.." Iyong boses na iyon. Ang sarap sana pakinggan kung si Julie ang nagsasalita. Kapareho ito ng boses nya pero ibang tao ang nagmamay-ari. Sya lang ang nagiisang taong kilala kong kaboses ni Julie.

"A-anong ginagawa mo dito? U-u-umiiyak ka ba?" Tanong nya pagkalapit nya sakin.

"Ano bang pakialam mo?! Hindi ako naiyak! Subukan mong titigan ang araw ng matagal, tingnan natin kung hindi ka maluha! Ikaw, bakit ka naandito?!" Hindi ako iiyak sa harapan nya. Iniyakan ko na sya noon at ayokong makita nya pa ulit. Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko. Mukha akong tanga pero ang sakit sakit kasi na bigla-bigla nya akong iiwanan at mawawala ng parang bula. Ni hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko! Kung anong dapat kong gawin! Nababaliw na ako sa kakaisip!

"Bawal na ba pumunta dito? Alam ko uumiiyak ka. Dahil ba kay Julie?" Sabi nya tapos tumabi sya sakin.

"Tama nga ako. Sobra mo syang mahal noh? Mabuti pa sya kahit wala na sya sa mundo mahal na mahal mo pa din sya. Huwag kang magalala, Elmo. Maayos din ang lahat. Malalaman mo din ang katotohanan."

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko maintindihan ang nais nyang iparating sakin.

"Okay lang naman umiiyak. Andito naman ako diba?" Bigla nyang binago ang usapan. Hindi ko naman sya kailangan pero hindi ko mapagkakaila na gusto ko syang makasama ngayong araw lang.

"Bakit ka ba bumalik? Ano bang kailangan mo?"

"Isa lang. Ikaw ang pakay ko." Sabi nya tsaka ngumiti sakin. Yung ngiti na iyon. Parang kay Julie. Mas lalo ko syang namimiss.

"Bakit ako? Ano bang sinasabi mo dyan, Almira?" Hindi ko talaga sya maintindihan. Ano bang pinagsasabi nya?

"Sana malaman mo ang totoo. Para makalaya na ako ng tuluyan. Sana bumalik ka na sa dating Elmo na nakilala ko.."

"Hindi na sya babalik pa. Sana maintidihan mo iyon. Na kasabay ng pagkawala ni Julie nawala na din ang dating Elmo."

"What's the point of my name being Almira Destiny Mendez if I'm not? Just wait and see, Lee Jung Hwa. Good bye.." Sabi nya sabay tayo at naglakad palayo.

Tama nga sya, walang masamang umiiyak pero sa ito na ang huli. Tumayo na ako tsaka hinarap ang puntod nya bago ako umalis. Huwag kang magaalala, Julie. Kahit anong mangyari, mahal pa din kita.

Julie Anne P. San Jose (June 7, 1994 - March 4, 2013)

You will forever be remembered in our hearts

At naniniwala ako na magkikita tayo balang araw katulad ng sabi mo na babalikan mo ako kapag tama na ang panahon. Kasi alam ko na buhay ka, na may rason kung bakit ka umalis. Hindi man kapanipaniwala pero alam ko sa sarili ko at sa sinabi mo na babalikan mo ako. Alam ko na may dahilan ang lahat at kung bakit ka nawala pero hihintayin kita kasi.. Mahal na mahal kita...

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon