Chapter 8: Lee Junghwa?
Julie's POV
YES! Tapos na ang school! Nasa bahay na ako at tapos na rin ang kamalasan ko! At ang pangiinis nila tungkol sakin at kay Elmo. Pero ang sakit pa rin ng ulo ko, idinagdag mo pa dun ang paglaglag sakin ni Alden, napatama tuloy yung ulo ko sa lupa. Ang sarap humiga sa sofa nuh? Ang lambot! haha! sarap matulog eh! Nakakawala ng stress at sakit ng ulo.
"Ehem! Mommy? Ano po gawa nyo?" Andito nga pala si Ellie at si Elmo. Simula na rin pala ngayon hindi na mawawala ang stress ko. Huhu! Baka magmukhang matanda ako sa sobrang stress. I need ice cream! Pampatanggal ko ng stress yun! Stressed to dessert.
"Mommy?"
Wait! wala nga pala akong ice cream! Bibili pa ako, hindi naman ako makakabili kasi yung sasakyan ko nasa talyer pa.
"Uy mommy!"
Hiramin ko na lang kaya yung car ni Elmo? O kaya naman sya nag pabilhin ko! Hahaha! Uutusan ko si Monggi!
"Mommy? Tulog ka po ba? Patay na po ba kayo? Wah! Mommy wag mo ko iwan! No! Wah! Mommy!! Wag mo kami iwan ni daddy! Mommy! Gising ka na! Wah!!"
Basa! Nabasa yung damit ko! Si Ellie kasi. O.A lang eh.
"Huy Ellie! Buhay pa ko!" sabi ko kay Ellie.
"*Sniff sniff* Hindi pa kayo patay? Yehey!! Akala ko wala na naman ako mommy! Yoko na po mawalan ng mommy! Ayaw ko! *Sniff sniff*" Sabi ni Ellie na umiyak. Na naman. Ayaw na nya mawalan ng mommy? Ibig sabihin alam nya kung sino yung mommy nya! Alam nya kung asan sya!
"Ellie? Kilala mo ang mommy mo? Yung totoo mong mommy? Alam mo kung anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Ellie.
"Mommy? Kayo po. Kayo po mommy ko!" Sabi ni Ellie.
"Hindi ako. Yung totoo mong mommy? Anong nangyari sa kanya?"
"Kayo naman po mommy ko eh." Sabi ni Ellie. Bakit ba ako?
"Hindi ako yung mommy mo--"
"Kayo po mommy ko eh! Ikaw po yun! Ikaw lang po! Wah! Mommy! Your my mommy! wah!!" Hay nako! Umiyak na naman.
"Mommy ayaw nyo po ba shakin? *Sob* Mommy! Gusto ko kayo! Kayo lang po ang mommy ko!" Ang hilig nya talaga umiyak.
"Oo na. Nagtatanong lang ako. Umiiyak ka kagad eh. Ako nga ang mommy mo." Another palusot para tumigil na sya sa kakaiyak, kakasawa na eh.
"*Sniff sniff* talaga po?" Unli lang? Paulit-ulit. Umupo na ako tsaka pinunasan yung luha nya.
"Oo nga." Sabi ko sa kanya tapos tumayo na ko, sumunod naman sakin si Ellie.
BINABASA MO ANG
Missing: Daddy?!
FanfictionIn which Julie Anne found a little girl inside her house and called her... ❝Mommy?❞ 「Warning: puro ka-jejehan at wrong grammar. I'm an immature writer before.」 『 Book 1 of 2 (RE-PUBLISHED)』 『 Filipino story 』 Date started: August 13, 2013 Date ended...