Chapter 20: When The Time Comes

2.3K 63 2
                                    

Chapter 20: When The Time Comes

Julie's POV

"Ano pa bang kailangan mo?! Hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako?!" Galit na sabi nang isang babae.

"Des.. Hayaan mo naman ako magpaliwanag." Pagmamakaawa nang lalaking kaharap nya.

"Ano pa bang paliwanag ang sasabihin mo? Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko sa inyo?! Na niloko mo lang ako para sa kanya?!" Galit na sabi nito sa kanya.

"Ano ba, Destiny.. Just let me explain, h.." Hindi na natapos pa nung lalaki ang kanyang sasabihin nang biglang sumabat ang babae sa kanya.

"No! Huwag mo akong susundan! Hindi kita kailangan, hindi mo na ako mauuto at maloloko pa ulit, M..."

"MS. JULIE ANNE SAN JOSE!"

"Ay, destiny ko!"

Ano ba naman 'yan! Natutulog yung tao tapos iniistorbo mo! Bwisit!

"Huh? Bakit? Ano ba iyon?"

"Ms. San Jose. Alam ko na anak ka ng principal pero hindi naman tama na matulog ka sa klase ko." Medyo na iinis na sabi Ma'am habang nakatingin sakin. Siya pala ang umistorbo ng tulog ko. Tsk!

"Sorry po. Hindi ko na po uulitin." Mabait kong sabi. Bumalik nalang sa pagtuturo si Ma'am. Yawnnnn! Inaantok pa ako pero dahil nagagalit si Ma'am umayos na ako ng upo. Ano bang oras na?

"Joyceee!... Psst! Psst!" Pagtawag ko kay Joyce sa may unahan ko.

"Oh? Ano iyon? Bakit ka natutulog kanina?" Tanong nya sakin pero hindi ako nililingon.

"Ehhh... Basta. Sasabihin ko na lang mamaya. Anong oras na ba?"

"2:50. Bakit?"

"Wala. Wala." 

Tsk! Bwisit na lalaking iyon! Matapos ko lang mahalikan kagabi hindi na ako pinansin o nagparamdam man lang?! Hay! Naalala ko na naman yung ginawa ko kagabi. Hindi ko sinadya iyon (slight lang), may gusto lang akong patunayan. At napatunayan ko na iyon.

Ang tagal naman magrecess. 10 minutes pa. Gutom na ako, tsaka namimiss ko na yung bulilit na iyon. Magtatatlong oras na kaming hindi nakakapagusap. Hehe, masyado na ako napalapit sa anak-- batang yun eh kaya ganon ko na sya mamiss.

Nakakaantok na naman. Hay... Kasi naman! Hindi ako nakatulog kagabi, lagi akong nanaginip sa mga taonghindi ko kilala. Tapos napaginipan ko na naman ulit sila mysterious blurred face 'Destiny' at si boy na hindi ko kilala, hindi pa lalo ako nakatulog gawa nung ginawa ko kay Elmo. Aish! Inaantok na talaga ako......

*BANG!*

*KRINNNGGGGGGG!!* 

Ay, putek! Ano iyon?! Bakit tumunog ang bell? Tunog ba ng baril iyon?! ANO BANG NANGYAYARI?!

Ang bilis ng lahat. Biglang nagalisan ang mga tao, nagsisitakbuhan sa takot at nagsisigawan. May nabaril ba?! Tumakbo ako palabas. Alam ko kung saan nanggaling ang putok ng baril, malapit lang iyon dito, sigurado ako. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Si Ellie. Nasa office ko si Ellie, hindi sya pwede maiwan.

Nagmadali akong pumunta sa office. Patay ang ilaw at may basag na binatana. May tama ng bala pero ang mga bubog ay nasa labas. Sa loob nanggaling ang putok ng bala. Nasa loob ang bumaril. Tumakbo ako papasok, ang gulo ng mga gamit. Kinabahan ako, ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Para akong naiiyak. Nasaan sya?! Anong nangyari?!

"ELLIE! ELLIYAH JANINE!" Tawag ko sa loob. Pero wala. Pumasok ako sa pinaka-office nina Mommy, nandoon lagi si Ellie kasama si.. Si...

"Lea?!" Nakita ko si Lea namay sugat sa may noo nya habang nakatali sa isang upuan. Nilapitan ko kagad sya doon. Nasa kandungan nya ay ang isang baril. Ito ba ang baril na ginamit kanina?

"J-j-julie.. Tu.. Tum.. Tumakas ka na!" Sabi nya sakin. Bakit? Hindi ako aalis hanggat wala si Ellie! Ano bang nangyayari?! Bakit nagkakaganito?!

"Lea, anong nangyari sayo?! Bakit ka nakatali? Sinong gumawa nito sayo? Nasaan si Ellie?!"

"Hinahanap mo ba ang batang ito?" Biglang may nagsalita sa likuran ko...

Lumingon ako. Nakita ko si Ellie na walang malay na karga ng isang babae... Si... Silang dalawa... May dala silang mga baril at nakatutok ito kay Ellie, at yung isa sa akin. Bakit?! Bakit sila?! Ano bang ginawa ko sa kanila?! Bakit nila ito ginawa?! Ano bang kasalanan ko pati si Ellie at Lea ay nadamay?!

"IKAW?!" Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Yes, dear. It's me. Did you miss me? Hahaha!" Sabi nya sakin habang tumatawa.

"A-a-nong ginawa mo kay Ellie?!"

"Wala. Pinatulog ko lang yung bata kasi iyak ng iyak nakakarindi."

"Bakit?! Bakit ka nandito?! Bakit mo ito ginagawa?!"

"Diba I told you when the time comes that we'll see each other you will regret it? At ito na iyon. Masyado na akong naiinis sayo, Julie Anne. Masyado kitang binigyan ng time para magsaya kasama silang dalawa, pero ngayon hindi na. Kasi ngayon magbabayad ka sa ginawa mo!" Bigla nyang itinutok ang baril sa may dibdib ni Ellie.

Ngayon alam ko. Alam ko na kung sino si Anonymous. Ang taong kaharap at kausap ko ngayon ay siya. Ang taong nagbanta sa buhay ko at nina Ellie. Hindi ko akalain na ngayon na iyon. Tama nga sila, maraming namamatay sa maling akala.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?! Bakit pati si Ellie dinadamay nyo?! May kasalanan ba akong ginawa sayo?!" Bigla na lang akong may naramdaman na mainit na bagay na umagos pababa ng pisnge ko. Umiiyak na pala ako hindi ko man lang naramdaman.

"Meron. Isang napakalaking kasalanan na dapat mong pagbayaran gamit ang buhay nang batang ito."

"Wag... Wagg.. Please... Huwag mong idamay si Ellie dito. Huwag mo syang saktan." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bakit, sya ba may awa sakin?! Hindi kita kaawaan! Kasi ikaw at ang batang ito ang may kagagawan ng lahat! Kaya dapat lang mawala na sya sa mundong ito kasi sya din naman ang dahilan kung bakit kayo nagkakilala!" Galit nyang sabi tsaka kinasa ang baril at....

"HUWAG!"

*BANG!!*

[A/N: Hi! Sorry for the long update po. Naging busy gawa nung NCAE at sa napakadami naming projects. Hay.. Buhay estyudante nga naman. Sa tingin nyo sino kaya si Anonymous at ano kaya ang ginaw nya? Anyways, salamat ng maraming maraming marami kasi sinuportahan nyo pa din ang 'Missing: Daddy?!'. Sobrang saya kasi sinubaybayan nyo sya! Malapit na ang nalalapit na pagtatapos ng MD kaya dapat nyo pong abangan ito. Salamat po talaga! :) ]

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon