Chapter 15: note

3.7K 62 25
                                    

Chapter 15: Note

Julie's POV

What a day! nabwiset lang ako. Nawalan lang naman ako ng first kiss dahil sa lalaking yun!! pero bakit ganun!? ang lambot pala ng labi nya kahit na nasubsob lang sya sakin ang lambot. Teka nga!! kung ano ano nang pinagsasabi ko!! inahale exhale nga Julie!! gutom lang yan! pupunta nga muna ako ng kitchen!

"Mommy i'm hungry. Let's eat na po" sabi sakin ni Ellie pagkababa ko. Nasa kwarto kasi ako, eh nanood sya ng TV iniwan ko muna.

"Okay. what do you want to eat?" sabi ko sa kanya habang patungo ako ng kitchen.

"I want hotdog!" sabi ni Ellie. Inupo ko muna sya dun sa table habang inihahanda ko na yung lulutuin ko.

Habang niluluto ko yung hotdog. May narinig akong pumasok sa kitchen.

"Hi daddy!" sabi ni Ellie tapos kumaway-kaway pa kay Mongi. Kamusta na kaya yung paa nya na inapakan ko?!

"Hi Ellie!" sabi ni Elmo habang kumukuha ng tubig sa ref tapos inirapan ako.

Aba! iniirapan na ako ngayon! kailan pa sya natuto umirap!? nababading na ba sya?! dinaig pa ang pagirap ko!

"Nangiirap ka na ngayon? ganun? maalam ka pala umirap nuh? kailan ka pa natuto nyan? nakakagulat! dinaig mo pa ko sa pangiirap!" pangaasar ko sa kanya. Sinamaan lang nya ako ng tingin tapos inirapan na naman ako. Hinahamon ata ako.

"Kanina lang. Gusto mo ulitin ko ulit para sayo?" sabi ni Elmo.Hinahamon nga ako. Baka gusto nya ingudngod ko sya dito sa frying pan para naman matauhan!

"Tss. Nababading ka na ba Elmo?" sabi ko. Kinaasar naman nya yun kahit tinalikuran ko na sya kasi baka masunog ang niluluto ko at baka sya pa iluto ko dito at ipapalapa ko sya sa mga aso ng kapitbahay namin! [A: brutal ka masyado alam mo ba yun?! inhale exhale! relax!] Kanina pa kaya ako naiinis dyan! kanina pang umaga!

"Hindi ako bading! sa gwapo kong toh mapagkakamalan mo akong bading!? i'm too handsome to be gay!" sabi ni Elmo. Kapal din ng mukha nito eh. Gwapo daw sya? oo gwapo sya pero hindi naman kailangan na ipagmayabang!! nakakainis lang yung mga taong ganun!

"Yabang mo din noh?"

"Hindi ako  mayabang. I'm just telling the truth, Gwapo naman talaga ako eh"

"Anong tawag mo dyan? pagmamalaki sa ibang tao na gwapo ka pareho lang yun. Sayang ka, ang yabang mo lang!"

"Hindi ako mayabang! nagsasabi lang ako ng totoo! ano bang magagawa ko eh gwapo ako eh! may gwapo kang kasama sa bahay mo! aminin mo din sa sarili mo na nagagwapuhan ka rin sakin. Hayaan mo pagsinabihan mo ako ng gwapo sasabihan din kita ng maganda ka para fair. And soon mafafall ka rin sa kagwapuhan ko!" lahat na ba ng kayabangan napunta na sa kanya?! ang sarap putuling ng dila eh!

hinarap ko sya at nilapag ko yung plato na may hotdog sa lamesa. At dun sya sa kabilang side eh. Tiningnan ko sya ngmasama.

"Naiwan mong bukas yung ref, lumamig bigla dito eh! sa sobrang lamig nagfreeze na ko!! ang yabang yabang mo!! sobra!! alam mo ba yun!? kasi kung hindi uulitin ko ulit sayo para matandaan mo!! Ang yabang yabang mo!!" 

"Hindi eh. Paulit nga? hindi ko kasi narinig ng ayos sa pagtalsik ng laway mo kakasigaw!"

"Hindi natalsik ang laway ko!! hiyang hiya naman ako sayo! ikaw ba hindi natalsik ang laway mo?!?! Uulitin ko ulit. Ang yabang yabang mo!!! gusto mo ipalala ko pa sayo araw araw para matandaan mo!! gwapo ka naman eh kaso ang yabang mo!!"

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon