Chapter 14: My Feelings to you?

3.9K 67 3
                                    

Chapter 14: My Feelings to you?

Elmo's POV

Aishh! Kabadtrip naman oh. Grr! Nakakabwiset talaga! Ang sakit pa sa likod at ulo! Makatulak naman si Julie. Lagapak ako sa sahig eh. Nagwalk out pa sya at yung mga loko-loko na yun. Idinamay pa si Ellie sa kalokohan nila!

"Hahaha! Ang sarap ulit-ulitin ng video nyo Elmo. Smack na smack sa lips eh." Sabi ni Derrick habang natawa. Tama bang pagtripan nila ang mga tao?!

Nakakabwiset! Ang sarap nila ihampas at ingudngod sa dagat! [A/N: nakalog ba masyado ang ulo mo at naging dagat na ang lupa?] Heh! Gusto ko dagat, paki mo ba?

"Sarap ba, Moe?!" Panunukso sakin ni Kris. Isa na lang talaga ingungudngod ko na sila sa dagat! Lulunurin ko sila doon.

"Akin na nga yang video na yan!" Sabi ko sabay hablot ng cellphone ni Sef. Nakita ko na naman ang video na yon.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina samin ni Julie. Hindi ko tuloy maintindihan ang dapat kong maramdaman! Dapat kasi sa nose lang yun, sila kasi inutusan si Ellie na itulak daw si Julie kaya ayun nahalikan ako ni Julie sa lips.

Pero bakit ganon? Ang weird ng feeling. Mas gumaganda pala sya kapag malapitan, tapos yung labi nya ang lambot parang ang sarap halik-halikan araw-araw kung pwede lang, kakaiba sya sa lahat ng mga nahalikan ko, sya lang ang nagbigay ng ganitong feeling sakin, yung feeling na hindi ko maexplain at hindi ko maintindihan nakakabaliw-- WHAT?!?!

Anong sinabi ko? Hindi. Erase! Delete! Reformat! Saan nanggaling yung mga sinabi ko? Bakit ko sinabi yun? Aish! Kainis! Kung ano ano nang nasasabi ko. Reformat! Wala akong sinabi.

"Moe? Elmo! Hoy Elmo!"

"Huh?"

"Masyado ka bang nahumaling sa kissing scene nyo ni Julie at hindi mo na nabitawan ang  cellphone niSef?"

"Ano? Hindi ah. No way!" Sabi ko tsaka dinelete ko na talaga yung video namin.

"Oh cellphone mo." Sabi ko kay Sef pagkaabot ko ng cellphone nya nilapitan ko si Ellie.

"Halika na, Ellie." Sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay ni Ellie.

"Teka. Saan kayo pupunta?" Tanong ni Yassi.

"Uuwi na. Wala na akong dapat na gawin pa dito. Bye." Sabi ko sa kanila tapos binuhat ko si Ellie at naglakad paalis.

"Kaagad?" Pahabol na sabi ni Maqui.

"Oo.Sabi ko tapos dumiretso na ko sa kotse ko. Ayoko na dun. Naiinis lang ako. Baka mangudngod ko talaga sila kapag nagtagal pa ako dun. Isinakay ko na si Ellie sa kotse tapos nilagyan ko ng seatbelt. Uuwi na ko.

"Daddy? Where's mommy? Bakit di po natin sya kashama?" Tanong ni Ellie sakin. Si Julie? Ewan ko sa babaeng yun.

"Di ko alam.Matipid kong sagot kay Ellie. Inistart ko na yung engine ng kotse ko.

"Pewo Daddy, gushto ko andito si Mommy." May pagkamakulit talaga nang batang ito. Kanino ba sya nagmana? Nasaan ba kasi ang magulang nya?

Missing: Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon