Note: This story contains foul words and some a little bit mature stuff. So be open-minded :)"Levi." Tawag sa akin ng matalik kong kaibigan na si Zee.
"Bakit?" Lingon ko sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa hawak nyang dyaryo.
"Tignan mo oh, may bago na namang Fortalejo ang na featured sa Philippine Magazine." Iniwan ko naman ang ginagawa ko at excited na lumapit sa kanya.
"Talaga? Si Rafael ba yan?" Isang hampas naman sa ulo ang natamo ko sa kanya.
"Gaga! Bago ngang Fortalejo eh! Bago ba yang ultimate crush mo? Ehh matagal na yang pinagpipyestahan ng mga dyaryo eh." Nakasimangot na himas himas ko naman ang ulo ko.
"Sorry naman. Nanghahampas pa eh. Oh sino pala yan?" Nakasimangot ko paring tanong.
"Ayon dito, Sya si Leon Maximus Fortalejo ang nakakabatang kapatid nina Rafael na crush mo..." Sabay ikot pa nya ng kanyang mga mata na tinaasan ko naman ng kilay.
"...at Chase. Ayon din dito, isa sya ngayon sa pinakabatang bilyonaryo ng bansa. Pumapangalawa na ito sa kuya nyang si Rafael. Oh diba! Ang yumminess pa ng mukha at katawan." Sabay tapat nito sa akin ng larawan nong Fortalejo nayon kaya halos lumabas ang mga eyeballs ko sa lalagyan nito.
"Sya?!" Gulat na gulat kong tanong.
"Oo. Bakit? Kilala mo ba sya?" Nakakunot ang noong tanong ni Zee.
"H-Ha.. Hindi ah! Ano kasi.. Ano. Nakita ko na yan sa TV kahapon. Oo kahapon!" Shit! Sana naman maniwala to. Pinakatitigan muna nya ako bago tumango.
"Okey, So ano ng masasabi mo sa kanya? Mas gwapo ba sya sa Rafael mo?"
"Mas gwapo at mabait si Rafael. At tsaka hindi antipatiko ang Rafael ko."
"Naku naku naku! Maka Rafael-ko ito. Pag-aari mo te? Tsaka makapagsabi namang mabait at hindi antipatiko si Rafael Fortalejo para namang nagkita na kayo ng personal. Teka nga, so you mean antipatiko tong si Leon? Papano mo nalaman?" Nakataas ang kilay na tanong nya.
Lagot ka ngayon Levi! Ang daldal mo kasi.
"A-Ano.. F-Feeling ko lang."
"Ay ganun? Hay naku Levi. Umiiral na naman yang pagkajudgemental mo."
"Totoo naman." Bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"W-Wala. Ang sabi ko bilisan na natin dahil baka hinahanap na ako ng aking ama amahan. Alam mo naman yon baka sasaktan na naman ako non." Lumungkot naman ang kaninang nang-aasar nyang mukha.
"Hanggang kailan ka ba magtitiis dyan sa ama amahan mong singbangis ni satanas? Bat ba hindi ka nalang lumayas?" Napayuko naman ako sa tanong nya. Oo, pwedi akong lumayas pero kahit saan pa ako magpunta ay mahahanap nya ako. Marami syang kilalang pwedi akong ipahanap. Kaya wala parin akong kawala. Tinangka ko narin kasing lumayas dati at wala pang limang oras ay nahanap na nya ako. Akala ko nga mamamatay na ako sa oras na yon dahil walang tigil nya akong nilatigo at pinagtatadyakan.
"Levi, bat ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Zee. Pinunasan ko naman ang aking mga luha bago ko sha hinarap at ngumiti ng pilit.
"Papatayin nya ako Zee kung malalaman nyang lalayas ako. Tinangka ko na yan dati diba? Ano ba ang napala ko? Kaysa naman mabugbog na naman nya ako ay titiisin ko nalang ang mga ginagawa nya."
BINABASA MO ANG
Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔
General FictionFORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babaeng akala mo ay kung sino sinong lalaki ang pinapaligaya para sa kakarampot na pera? Ngunit papaano k...