Nagtagal ng isang minuto ang paglalapat ng aming mga labi. Yong mga luha ko ay panay din sa pag-agos..
"I-I'm sorry Levi kung nabigla kita." Medyo nagpapanicked nyang pahayag nang makita nyang umiiyak na ako. Agad nya ring pinunasan ang aking mga luha. Umiiling iling na napapangiti ako. Hindi naman yon ang rason kung bakit ako umiiyak eh.
"Hindi mo naiintindihan Leon. Napakakomplikado ng lahat." Naguguluhan ang mukhang napatitig sya sa akin.
"Then let me understand Levi. Handa akong pakinggan kung ano man ang sasabibin mo. I know ang bilis na nahulog ang loob ko sayo, pero masisisi mo ba ang puso ko?" Sa mga sinabi nyang yon ay muling bumuhos ang mga luhang kanina ay pinupunasan nya.
"Just please.. Please wag ka ng umiyak." Nahihirapan nyang sabi bago ako yakapin ng mahigpit. Mas napahagulgol naman ako sa ginawa nya. Mabuti nalang at walang tao sa lugar nato. Kami lang ata yong nandito.
"Hindi mo ako pweding mahalin Leon.." Nanghihina kong sambit na syang unti unti nyang paghiwalay sa yakap at naguguluhan na namang nakatingin sa akin.
"B-Bakit? Dahil ba wala kang gusto sa akin? Yon ba ang dahilan mo Levi? Pero sana naman ay hayaan mo nalang akong mahalin ka. Hindi naman ako humihingi ng kapalit na mahalin mo rin ako." Puno ng emosyong pahayag nya. Umiling naman ako bago sumagot. Hindi naman yon ang dahilan ko eh. Hindi nya pa kasi ako lubusang kilala. Pano kung kagaya nila ay pandirian nya rin ako kapag nalaman nya anong klaseng buhay meron ako at kung anong klaseng babae ako. Isa syang Fortalejo at ayaw kong madungisan ang pangalan ng pamilya nila dahil lang sa akin.
"Hindi mo pa ako lubusang kilala Leon." Matigas kong sabi.
"What's the use of dating and courting kung hindi rin naman kita mas makilala?"
"Hindi ganun kadali iyon.." Ayaw kong madamay ka sa kawalanghiyaan ng aking ama amahan.. Gusto ko sanang idagdag.
"Then no matter how hard it is, gagawin ko parin ang lahat para matutunan mo rin akong mahalin, Levi." Napapikit nalang ako sa katigasan ng bungo nya.
Dyosko, Sana hindi ko pagsisihan ito kahit alam kong napakabilis ng lahat para sa amin...
Nagbukas ako ng mga mata at pinunasan ang naiwang mga butil ng luha. Pagkatapos ay nginitian ko sya ng malapad bago niyakap.
"Hindi ito magiging madali Leon pero gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo."
Di makapaniwalang napayakap din sya sa akin ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko.
"Hindi mo ito pagsisihan Levi. Thank you."
Sana ay hindi mo rin ito pagsisihan Leon...
----------------
Matapos ang madamdamin naming eksena doon sa Paradise Garden nya ay dinala nya ako sa loob ng isang napakagandang bahay na nasa gitna nong hardin. Bale, ang laki po kasi talaga ng garden na halos dalawang compound na sa laki. Tapos yong bahay na nasa gitna ay matatawag mo ng isang may kalakihang mansyon.
"Sayo rin ang bahay nato?" Manghang tanong ko sa kanya habang nililibot ng mga mata ko ang buong sala.
"Oo pero tinulungan ako nila Kuya para maipatayo to. Si Kuya Raf ang kinuha kong engineer at si Chase naman ang architect." Nagningning naman ang mga mata ko nong banggitin nya ang pangalan ni Rafael.
BINABASA MO ANG
Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔
General FictionFORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babaeng akala mo ay kung sino sinong lalaki ang pinapaligaya para sa kakarampot na pera? Ngunit papaano k...