Chapter 2: Enrico Valderama

89.5K 2.5K 86
                                    


Kinagabihan non ay wala na naman akong nagawa kundi pumunta sa club na pinagtatrabauhan ko. Mapapatay ako ng aking ama amahan kung aabsent ako.

"Levi, may nagpapabook sayo." Sabi nong manager namin. Kinakabahang napatango nalang ako sa kanya bago inayos ang suot kong halos kita na ang kaluluwa. Isang napakaikling short at fitted tube na hanggang puson. Nakalugay din ang pinakulutan kong buhok at may kolorete rin ang mukha ko.


"Ano pang hinihintay mo dyan? Puntahan mo na yon. Nasa table 5." Pagkatapos ay iniwan na nya ako doon. Napahinga naman ako ng malalim bago tumayo mula sa inuupuan ko.


Trabaho lang iyan Levi. Pagpapagaan ko sa aking sarili bago lumabas sa silid na yon.


Habang naglalakad ako palapit don sa table 5 ay halos ata lahat ng tingin ng mga lalaki ay nasa harapan ko o di kaya ay nasa kurba ng katawan ko. Sanay na ako dyan kahit parang dinudurog ang puso ko. Ito ang trabaho ko kaya dapat masanay na ako sa mga manyak at malilibog na tingin nila.

"Good evening po Sir." Bati ko doon sa nag-iisang lalaking nakaupo sa table na yon. Busy ito sa cellphone nya kaya hindi nya napansing may tao sa harapan nya.

"Good evening Sir." Ulit ko. This time ay nag-angat na ito ng mukha. Okey, mukhang first time ata na may gwapo akong costumer ngayon at mukhang kasing edad ko lang. Usually kasi ay may kaedaran na at ang jeje pa ng mukha.

Ngumiti ito bago nagsalita..

"I assumed that ikaw ang pinakamagandang entertainer dito? Maupo ka." Sabay kindat nya sa akin.

Alam kong maganda ako pero ang bolero naman ata nya.

"Hindi naman po Sir." Medyo nahihiya kong sabi sabay upo.

"I told your manager na yong pinakamagandang entertainer ang papuntahin nya dito. Ikaw ang pinapunta kaya ikaw marahil ang pinakamaganda."

Seriously? Nagpunta ba ito dito para dyan sa reasoning nyang iyan? Kaloka!

"Ahh. Ako lang po kasi ang available Sir." Lumapad naman ang kanyang ngiti sa sinabi ko.

"So you are really available?"

"H-Ha? A-Ano..."

Shit!

Tinawanan naman nito ang reaksyon ko.

"I'm just kidding miss. Anyway, I'm Enrico.. Enrico Valderama."

Wait, what?

Napansin siguro nitong nagulat ako sa sinabi nya kaya ngumiti ulit ito bago tumango.

"I-Ikaw ang nag-iisang anak ni Mayor Valderama?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Uhm." sabay tango nya.

"Wow. Ikaw yong grumaduate sa Harvard at naging Cum Laude?" Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Pati pala yon nabalita?" Napapailing nyang tanong.

"Malamang! Harvard kaya yon. Tsaka sikat kaya ang tatay mo, hindi lang dito sa atin kundi sa buong Pilipinas dahil sa nagawa nyang mga proyekto para sa mahihirap." Totoo iyon, isa ang mga Valderama sa mga tanyag at nirerespetong pamilya dito sa Pilipinas. Wala ka kasing maipipintas sa angkan nila. Bukod na sa matulungin sila sa mga mahihirap ay alam ng lahat na mabuti talaga silang tao.

"Okey." Simpleng sambit nya bago inumin ang beer na nasa baso.

"Ako nga pala si Levi.. Levi Garcia." Sabay lahad ko ng kanang kamay ko. Tinitigan nya muna ito bago ako kamayan.

"Nice to meet you Levi." Tinanguan at nginitian ko nalang sya sa sinabi nya.

"Matagal ka na ba ditong nagtatrabaho?" Maya maya ay tanong nya.

"Magtatatlong buwan palang."

"Sino ang nagpasok sayo dito?"

Bat ba ang daldal ng lalaking ito?

"S-Stepfather ko." Sabay yuko ko.
Ilang sandali ako sa ganong posisyon at sya ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Gusto mo nabang umalis dito?" Napaangat naman ako ng mukha sa tanong nya.

"Sino ba ang may gusto sa ganitong klaseng trabaho?" Malungkot ko ring tanong.

"I can help you." Nagulat ako doon pero umiling ako.

"Hindi ganon kadali iyon, Sir." Kumunot naman ang noo nya sa huling salitang binanggit ko.

"Just call me Enrico."

"O-Okey.."

"Anyway, papayag ka bang samahan ako ngayon? Ako na ang bahala sa buong gabing sweldo mo." Double meaning iyon para sa akin kaya alam nyang nagulat ako sa tanong nya. Pinitik nya naman ang noo ko.

"Aray.." Sabay himas ko sa parteng pinitik nya.

"Kung ano anong kaberdehan yang iniisip mo. Gusto ko lang naman magpasama sa condo ko. Gusto ko lang ng may kausap."

Okey? So gagawin ako nitong talking tom?

"Bat sa condo mo pa?" Taka kong tanong. Ngumisi naman ito.

"Para mas exciting." Sabay kindat kaya hinampas ko naman sya sa kamay.

"Sira!" Natatawa kong sabi na pati sya ay natatawa narin.

Okey, sya yong tipo ng tao na kahit bago palang kayong magkakilala ay parang ang gaan na ng loob mo sa kanya. At mapapansin mo naman na mabait syang tao.

"So ano? Payag ka?" Tanong nya.

"Wala ka namang gagawing masama sa akin hindi ba?" Natatawang paninigurado ko.

"Makakaasa kang makakauwi ka ng hindi nabubuntis. Pwera nalang kong aakitin mo ako." Natatawang pinaghahampas ko naman sya ng mahina.

"Feeler." Sabay ikot ko ng aking mata.

"So deal?" Nagdadalawang isip na napatango naman ako. After all, isa naman syang Valderama at mukhang mapagkakatiwalaan naman sya.


-------------


"Enrico tapos ko ng lutuin ang----" Napapailing na nilapitan ko nalang sya at inayos ang pagkahiga nya. Walanghiyang lalaki ito. Matapos nya akong paglinisin ng buong kwarto nya ay inutusan nya naman akong magluto ng sisig. Tapos ngayon ay natutulog sa couch nya. Kausap pala ang kailangan nya ha! Baka muchacha. Nakuuu! Sarap kurutin.

"Oyy gising." sabay sundot ko sa pisngi nya.

"Uubusin ko yong sisig." Malandi kong bulong sa tenga nya. Alam ko kasing nagtutulog tulugan lang ang walanghiyang ito.

"Hindi ako nagbibiro Enrico." This time ay seryoso na ako. Mabilis na napabukas naman sya ng mga mata.

"Bat ba ang ganda mo?" Nakangisi nyang tanong. Piningot ko naman ang ilong nya.

"Bat ba ang bolero mo? Sige na Sir kumain na ho tayo." Natatawa kong sambit tsaka ko sya iniwan doon.


Sa Apat na oras kong kasama si Enrico ay hindi ako nakaramdam ng takot at boredom. Yong feeling na parang ang tagal nyo ng magkakilala. Mabait at masaya kasi itong kasama. Naikwento ko narin sa kanya ang tungkol sa stepfather ko at ang mga hirap na dinadanas ko. Hindi nya ako hinusgahan, hindi nya rin ako pinandidirian sa uri ng trabahong mayron ako bagkus ay nag-offer pa syang tulungan ako pero sinabi kong huwag nalang. Ayaw ko na pati sya ay madamay sa kawalanghiyaan ng aking ama amahan.




Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon