Chapter 15: Eduardo Jose Garcia

60.2K 1.2K 63
                                    


Sinag ng araw ang syang pumukaw sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Tinignan ko ang orasang nakasabit sa aking dingding at alas otso y media na pala ng umaga. Sabado ngayon wala akong pasok. Mabuti nalang dahil makakasama ko si Leon buong araw. Bukas na kasi ang flight nya papuntang New Zealand at iniisip ko palang ay nalulungkot na ako.


Tatayo na sana ako nang may biglang nasagi ang kamay ko mula sa itaas ng kumot ko sa bandang tiyan. Napangiti ako ng malapad habang hinahawakan ang isang pulang rosas. Inamoy ko ito at napapikit ng marahan. Isang napakabangong rosas na mukhang bago pa ito pinitas. May artipisyal na plantasyon ng rosas dito sa villa kaya alam kong doon iyon pinitas ni Leon. Napangiti ulit ako ng maisip na ang pogi kong boyfriend ang pumitas nito para sa akin. Kailangan talaga nyang bumawi ngayong buong araw bago sya umalis bukas.


Inilagay ko muna sa ilalim ng cabinet ko ang binigay nyang rosas. Nandito sa loob ng cabinet nato ang lahat ng bagay na naibigay nya sa akin magmula nong maging kami. Pagkatapos doon ay inayos ko na muna ang susuotin ko ngayong araw bago pumasok sa banyo para maligo.



Nang matapos na akong maligo't magbihis ay ang buhok ko naman ang inayos ko. Ewan ko ba feel ko atang magpaganda ngayon. Inilugay ko ang may kahabaan kong buhok at kinulot ang nasa dulo nito. Marunong ako nong tinatawag nilang hair braid na parang kurona kaya inayos ko ang buhok ko ng ganoong istilo. Binuksan ko rin ang lalagyan ng make up na iniregalo sa akin ni tita Margaret dati at sinimulang lagyan ang aking mukha. Konti lang naman para lang maganda tignan. Naglagay din ako ng kulay maroon na lipstick at inayos ng konti ang aking kilay.


Napangiti naman ako ng abot tenga nang mapansing mas lalo akong gumanda sa konting pag-aayos ko ng aking sarili. Tumayo ako at tinignan ang aking buong repleksyon sa salamin. Isang kulay pulang bistida ang suot ko na hanggang tuhod na tinirnuhan ko ng may kaputlaang pulang sandals na regalo naman sa akin ni Victoria noong pumunta sya sa Espanya.


Nang okay na ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Wala si tita Margaret ngayon. Ganun din si Chase at Rafael. Si nanay Brenda at Leon lang ang kasama ko dito sa bahay kagabi.


"Levi? Naku anak! Ang ganda mo ngayon ah. Litaw na litaw ang kaputian mo sa suot mong yan." Napangiti naman ako sa sinabi ni nanay Brenda.


"Salamat po Nay Brenda. Nasan po pala si Leon?" Tanong ko sa kanya.


"Nandon sa Azotea. Katatapos lang nyang kumain at mukhang hinihintay ka nya." Tinanguan ko nalang sya at nagpaalam na pupuntahan ko muna si Leon. Hindi naman ako gutom eh kasi naparami ang kain ko kagabi. Ang gwapong si Chef Leon kasi ang nagluto ng hapunan namin.


Nakangiting nakatitig lang sya sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Tumaas baba rin ang Adam's apple nya. Nang nasa harapan na nya ako ay umikot ako ng isang beses bago nagpacute. Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa bago ako hilain papalapit sa kanya at ikinandong.


"You're beautiful than morning." Sabay haplos nya sa mukha ko.


"Minsan gusto ko ng maniwala dyan sa mga pambobola mo sa akin." Natatawa kong saad.


"Hindi mo na kailangan pang maniwala dahil iyon ang totoo, Mahal." Pagkatapos ay kinintalan nya ako ng halik sa pisngi. Pagkatapos non ay niyakap ko naman sya ng mahigpit.


"Hindi ko alam Leon na kaya ko palang magmahal ng higit pa sa sarili ko." Naiiyak kong sabi. Totoo iyon. Sa Pagdaan ng mga oras at buwan nang opisyal na maging kami ay mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya na kahit hindi ko gaanong ipakita ay alam kong nararamdaman nya.

Marahan nya akong hinarap sa kanya at tinitigan sa mga mata..


"Wala ring katumbas na salita ang pagmamahal ko sayo Levi. Nong una palang ay alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda." Kasabay non ang pagpatak na ng luha mula sa aking mga mata. Pinunasan nya iyon at nakapikit na hinalikan ako sa aking labi.


Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon