~Happy 100K reads PBAB so as a token to everyone, heto na po ang special chapter dahil alam kong namiss nyo na sina Leon at Levi. Enjoy reading~"Mama! Mama!" Nakasimangot na takbo nya sa akin.
"Ohh, napano ang prinsesa namin?" Tumulis naman ang nguso nya bago yumakap sa leeg ko.
"Eh kasi po mama ayaw makipaglaro sa akin ni kuya Miko ng bahay bahayan eh." Natatawang hinarap ko naman sya sa akin at hinawakan ang kanyang mauumbok na pisngi.
"Anak, lalaki ang kuya miko mo kaya ayaw non ng bahay bahayan." Nangunot naman ang kanyang noo.
"Eh bakit po si kuya Gavin minsan nakikipaglaro sa akin pag kagaling nya sa school tapos si papa minsan ganun din." Hinaplos haplos ko naman ang kanyang buhok bago sya hinalikan sa noo.
"Ayaw kasi ng kuya Gavin mo at ng papa mo na wala kang kalaro kaya nakikipaglaro na lang sila sayo."
"Eh kung ganun ayaw po ba ni kuya miko sa akin kasi hindi sya nakikipaglaro sa akin? Hindi nya po ako love?"
"Come here na nga maglaro na tayo. Nagsusumbong pa eh." Nakasimangot na lapit sa amin ni Miko kaya pinandilatan ko ito ng mata.
"Che! Salbahe ka kuya. Ayaw ko na sayo. Bad ka."
"Anak, masama yang ganyan. Mas matanda pa rin sayo si Kuya kaya hindi mo dapat sya pinagsasalitaan ng ganyan ha?" Yumuko naman ito at maya maya pa ay humihikbi na.
"Sorry po mama." Umiiyak na nyang sambit bago yumakap sa akin. Napangiti naman ako. Ito yong gusto ko sa kanya. Pag pinagsasabihan mo lumalambot ang puso.
"Sige na Baby kay Kuya Miko ka magsorry. Bati na kayo di ba Kuya?" Tapos sininyasan ko itong umo-o.
"Oo naman. Halika na laro na tayo." Humiwalay naman ito ng yakap sa akin at nagpunas ng mga luha nya bago lumapit sa kuya nya.
"Sorry po kuya. Love po kita." Ang kaninang nakasimangot na Miko ay napangiti sa sinabi ng kapatid nya. Ginulo naman nito ang buhok ni Nathalie bago inakbayan.
"Kailan po uwi ni Kuya Gavin ma?" Biglang tanong ni miko sa akin.
"Mamaya darating na yon anak. Sige na, samahan mo na yang si Aly." Tinanguan nya lang ako bago sila umakyat sa taas. Napapangiti na lang ako habang tinitignan silang dalawa. Napakaswerte ko talaga sa mga anak ko. Oo nga pala, 17 years old na si Gavin at nasa kolehiyo na ito sa kursong Medical Technology. Ewan ko ba sa batang iyon, gusto nya raw kasing magdoktor pagkagraduate nya at ayaw nyang maging businessman. Samantalang si Miko ay sampung taong gulang naman at palagi nyang sinasabi sa amin na gusto nyang maging katulad ng papa nya at ng mga tito nya. At ang bunso naman namin na si Nathalie ay pitong taong gulang na at nasa grade one na rin ito. Masaya talaga sa feeling sa tuwing nakikita ko silang tatlo lalo na pag magkakasama dahil sila ang nagpapatunay na napakaswerte ko talaga sa buhay lalo. na pag nandyan ang asawa ko.
Si Leon ay ganun pa din. Busy minsan sa trabaho at minsan naman ay nandito lang sa bahay para alagaan si Nathalie. Ako naman ay ganun din. Sa pagdaan ng ilang taon ay mas umusbong ang pangalan ko sa larangan ng fashion. Naging maayos ang pagpapatakbo ko ng aking mga boutique at of course sa tulong na rin ng mama ni Leon ay mas natuto ako sa mga pasikot sikot sa pagpapalago ng negosyo. Minsan ay naaanyayahan din ako sa mga sikat na fashion show events upang ipakita ang mga gawa ko. Noong nakaraan ding taon ng Star Magic Ball ng ABS-CBN ay kinuha nila ako bilang designer ng mga gowns nila. Masaya na ako sa mga ganung bagay lalo na sa mga achievements ko sa buhay. Wala na akong mahihiling pa.
"Nay Brenda, mamaya po ay pupunta kami sa Villa at bukas pa ang balik namin. Gusto nyo po bang sumama?" Masaya kong lapit sa kanya. Malaki talaga ang pasasalamat namin kay Nanay Brenda kasi kahit medyo may katandaan na ito ay hindi pa rin nya kami iniiwan. Hindi na nga namin sya pinagtatrabaho dito sa bahay minsan eh. Naaawa na kasi kami sa kanya kaya sa pagluluto na lang sya tumutulong sa ibang kasambahay.
BINABASA MO ANG
Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔
General FictionFORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babaeng akala mo ay kung sino sinong lalaki ang pinapaligaya para sa kakarampot na pera? Ngunit papaano k...