Chapter 16: Bagong Guro

52.6K 1.1K 59
                                    


Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nong umalis si Leon papuntang New Zealand at ngayon nga ay sa California na naman ito magtutungo.

Sa loob ng dalawang linggong iyon ay marami naring nangyari lalo na sa skwelahan. Hindi ko na isa isahin pero masasabi kong may magagandang nangyari at mayron ding hindi mabuting nangyari.

Si Leon naman ay nagchachat sa akin tuwing gabi. Namimiss na raw nya ako. Tsk. Eh ano naman kaya ako? Mamatay na nga ako minsan sa kakaisip kung maayos ba ang lagay nya don. Kung hindi ba sya nambababae. Hmp! Syanga pala, alam na nila tita Margaret ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Leon. Nakakaloka nga dahil noong araw ding iyon ay tinawagan nya agad yong kaibigan nyang wedding planner para masimulan na. Natutuwa naman sina Chase at Rafael dahil sa ganun ay di na raw nila makikita ang pagmumukha ni Leon sa mansyon. Pero syempre alam kong biro lang nila yon.

Si tita Marj ang nagdesinyo ng wedding gown ko at sa susuotin ni Leon. Last week nga sinimulan na nya itong gawin at mukhang malapit na rin iyong matapos. Kinakabahan naman ako sa tuwing naiisip ko na malapit na pala akong ikasal kay Leon Fortalejo. Papano kung hindi ko magampanan ang pagiging may bahay ko sa kanya?

"Oy.." Sabay sundot sa akin ni Hya. Bangag ako ngayon kakagawa sa report ko kagabi kaya parang ewan na napatingin ako sa kanya.

"Bat ba ganyan itsura mo?" Natatawa nyang tanong kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Kagagawan na naman yan ng Yokai." Pang-aasar naman ni Roj. Hay naku! Alam nyo bang nakakapraning kasama tong kambal nato? Kung anu ano naiisip na kalokohan eh pero gumagaan naman ang araw ko sa tuwing nandyan sila.

"Kayo ba naman ang magdamag na gumawa ng report tignan ko lang na di kayo magmumukhang ewan." Nakalabi kong pahayag na tinawanan lang nila. Mga bwiset talaga tong mga to!

"Ang sabihin mo napupuyat ka lang kakaisip don sa boyfriend mo. Teka, saan pala nagpunta yon?" Napaismid naman ako sa sinabi ni Hya. Oo nga pala, hindi ko pa sinasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Leon. Gusto ko silang masurpresa sa kasal namin. At nong gabi pala nong nag date kami ni Leon ay nag viral sa internet ang mga litrato ni Leon at sinabi nilang kasama nito ang girlfriend nya. Nagpapasalamat talaga ako at sinunod nila ang sinabi ni Leon na huwag ikalat ang mga larawan ko. Kinabukasan non ay nagdadrama si Hya dahil wala na raw talaga syang pag-asa kay Leon kaya mamatay naman ako sa kakatawa sa kabaliwan nya.

"Oo nga. Antagal naman ata ng isang buwan. Ako nyan eh manlalaki ako." Pagbibiro ni Roj kaya mahinang hinampas ko sya sa kamay.

"Basta. May importante kasi syang gagawin." Tanging sagot ko. Ayaw ko magbigay ng clue baka kasi magtaka sila dahil kalat na kalat kasi sa internet ngayon na nasa New Zealand si Leon. Hindi naman pweding sabihin ko sa dalawang ito na nandon sa New Zealand ang boyfriend ko.

"Osha. Aalis na ako. May lulutuin pa ako na kailangang ipasa mamaya kay Sir Mabanag." Paalam ni Roj. May cooking activity na naman kasi sila.

"Hoy! Tirhan mo kami ni Levi." Habol na sigaw sa kanya ni Hya kaya bumukas ang bibig nito at sinabing 'Matatakaw'. Natawa nalang kami ni Hya dahil sa tuwing may cooking activities ito ay nagpapatira kami ng pagkain kaya minsan ay nababatukan nya kami.

"Oy, alam mo yong bagong balita?" Tinaasan ko naman si Hya sa tanong nya. Ito talaga hindi nahuhuli sa mga bagong balita.

"Ano?"

"May bago raw tayong instructor sa English class."

"Oh tapos?"

"Anekebe! Pogi raw." Kinikilig nyang sambit.

Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon