Chapter 8: Temporary Amnesia

85.5K 1.5K 75
                                    


Puting kisame ang bumungad sa akin nang ibukas ko ang aking mga mata.. Nasaan ako?

"Mygod! Mabuti't gising kana." Napatingin ako doon sa nagsalita. Teka, kilala ko sya. Sya si Zeselle diba? Ang bestfriend ko. Bat sya umiiyak?

Napansin nya sigurong nagtataka ang ekspresyon ng mukha ko kaya muli syang nagsalita.

"Isang buwan kang comatose.." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Totoo ba yon? Ano ba ang nangyari?

"T-Tubig.." Ang unang salitang lumabas sa aking bibig. Agad naman nya akong binigyan ng isang basong tubig. Ininom ko naman iyon bago huminga ng malalim at muling napatitig sa kanya. Pilit kong inaalala ang mga nangyari ngunit talagang wala akong maalala.

"A-Anong nangyari sa akin?" Mahina kong tanong. Napansin ko namang lumungkot ang kanyang mukha. Tumayo ito mula sa kinauupuan nya at lumapit sa akin. Hinawakan naman nya ang magkabilang kamay ko.

"May temporary amnesia ka. Yon ang sabi ng doktor." Mas nagulat naman ako sa sinabi nya. Kaya ba wala akong maalala? Pero bakit kilala ko sya..

"B-Bat kilala parin kita?" Huminga naman sya ng malalim bago magsalita.

"Ang sabi ng doktor ay pupweding maalala mo ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang mga taong huli mong nakausap bago nangyari ang aksidente. Subalit pinipilit daw ng utak mo na kalimutan ang mga nangyari nong insidenting iyon. Mabuti na lang daw ay hindi ganoon kalala ang sitwasyon mo. Ang sabi pa nya ay pwedi mong maalala ang nangyari bago ang aksidente. Naaalala mo pa ba?" A-Aksidente? Naaksidente ako?

"T-Teka.. Naguguluhan ako.. Ahhhh." Sabay hawak ko sa ulo ko. Bigla kasing kumirot iyon. Pilit kong inaalala pero wala talaga. Tanging ang pangalan lang nya. Tapos mayron pa.. L-Leon.. E-Enrico.. Sila ba ang huli kong nakausap bago may nangyri sa akin?

"Levi! Ayos ka lang?" Kinakabahan nyang tanong..

"Wala akong maalala. Kumikirot ang ulo ko. Tatlong pangalan lang ang tumatakbo sa isipan ko. I-Ikaw. Leon at Enrico.." Halos pumiyok ko ng pahayag sa harapan nya. Bigla namang bumuhos ang kanyang mga luha at niyakap ako ng mahigpit.

"Dyosko! Bat nangyayari to sayo." Iyak nya kaya pati ako ay naiiyak narin..

"Hindi ko rin alam. Wala akong matandaan. Ano ba talaga ang nangyari sa akin?" Sasagot na sana sya nang biglang bumukas ang pintuan kaya pareho kaming napatingin doon...

"Jesus!" Halos matalisod sya sa agarang paglapit sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Teka, kilala ko sya..

"Levi.." Pagkatapos ay niyakap nya ako. Naramdaman kong humihikbi na sya sa balikat ko kaya nagtatakang napatingin ako kay Zee na ngayon ay nasa harapan namin.

"L-Leon.." Biglang sambit ng bibig ko kaya di makapaniwalang napahiwalay sya sa yakap at napatitig sa akin. Hinawakan naman nya ang magkabila kong pisngi at doon ay muli na naman syang napatangis. Bat sya umiiyak? Bat parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko?

"I-Ikaw ba yan Leon?" Ngayon pati ako ay napapaluha narin. Hindi ko alam kung bakit.. Hindi ko alam kung bakit parang kilala ko sya. Marahil dahil naaawa lang ako sa kanya?

"Ako nga ito Levi. God, I miss you." Nagulat nalang ako nang bigla nya akong siilan ng halik kaya mabilis ko syang naitulak at nanginginig na umatras sa aking kama.

"I'm sorry Levi. I'm sorry kong nabigla kita." Umiiling iling na kinuha ko ang kumot at ibinalot iyon sa nanginginig kong katawan. Hindi ko alam pero bat takot na takot ako sa ginawa nya kanina?

Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon