"Ayos ka lang ba talaga?" Yan agad ang tanong sa akin ni Leon pagkapasok na pagkapasok namin sa kanyang sasakyan.
Tumango ako bago pilit na ngumiti. Alam kong kumalma na ang pakiramdam ko subalit hindi parin mawaglit sa isipan ko ang ala alang iyon kanina. Totoo ba talaga iyon? Minamaltrato ba ako ni tatay Rodrigo dati? P-Pinagtatrabaho nya ba ako dati sa club? Alam ba iyon ni Leon?
"Bat ang tahimik mo?" Tanong nya sa akin makalipas ang dalawampung minuto.
"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko. Ang totoo nyan ay iniisip ko parin yong ala ala ko kanina at yong usapan nila ni tatay Rodrigo. Parang pagod na ang utak ko kakaisip sa mga bagay na yon. Ewan ko ba. Nasasaktan talaga ako kahit hindi naman pa talagang kompirmadong totoo yong mga ala alang iyon.
"Just take some rest. Matulog kana muna. Gigisingin lang kita pag nasa Villa na tayo." Tinanguan ko nalang sya bago muling ibalik ang paningin ko sa daan. Dalawang oras ang byahe mula Maynila hanggang Villa Fortalejo kaya mas makakabuti sigurong matulog nalang muna ako.
Pagkaraan siguro ng isa't kalahating oras ay nagising ako mula sa aking pagtulog dahil naramdaman kong huminto ang sasakyan. Marahan akong nag-unat ng kamay at tinakpan ang aking bibig dahil sa aking paghikab.
"Nasan na tayo?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay abala sa kanyang cellphone.
"Nasa Bayan ng San Fernando pa tayo. Kalahating oras pa bago tayo makarating sa Villa." Sagot nya bago patayin ang kanyang cellphone at inilagay ito sa pocket nya.
"Eh bat ka huminto?" Ngumiti naman sya bago sumagot.
"Baka nagugutom ka na. Kain muna tayo dyan." Sabay turo nya sa isang fast food chain na nasa gilid ng kalsada.
"Hindi pa naman ako gutom. Ikaw?" Medyo natawa naman ako nang kamutin nya ang ulo nya at nagdadalawang isip na ngumiti.
"I'm hungry." Sabay iwas nya ng tingin sa akin kaya tinapon ko sa kanya yong maliit na unan na nasa harapan ko.
"May pahiya hiya ka pang nalalaman dyan. Sige na sasamahan nalang kitang kumain." Lumiwanag naman ang mukha nya bago tumango at buksan ang pinto ng sasakyan.
Nang makapasok kami sa loob ng fast food chain ay umorder agad sya ng sandamakmak na pagkain kaya halos manlaki na ang mga mata ko nang i served na ang inorder nya.
"Seryoso kang mauubos mo yan Leon?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Ano sa tingin mo?" Sabay ngisi nya ng nakakaloko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Minsan talaga ang sarap nitong sipain.
"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga." Natatawa kong sabi bago ininom ang ipina-order kong milk tea.
"So.." Panimula na naman nya pagkatapos lunukin ang kinakain nyang ulam.
"Hindi ka ba nababagot sa villa?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong nyang yon.
"Bat naman ako mababagot?"
"I mean baka sawang sawa kana doon. Just tell me kung gusto mong sa Maynila muna tayo habang nagpapagaling ka. Malinis at malaki naman yong Condo ko doon." Napailing naman ako sa sinabi nya.
"Sapat na ang pagpapatira nyo sa akin sa villa. Tinatanaw kong malaking utang na loob iyon sayong pamilya. Ayos lang naman ako doon. Kaya okey lang talaga." Sabay ngiti ko sa kanya.
"About earlier.." Nagdadalawang isip nyang sabi. Marahil ay gusto nyang malaman kung bakit ako tumatangis kanina habang hawak hawak ang ulo ko. Sasabihin ko ba sa kanya?
BINABASA MO ANG
Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔
General FictionFORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babaeng akala mo ay kung sino sinong lalaki ang pinapaligaya para sa kakarampot na pera? Ngunit papaano k...