Dalawang linggo.. Dalawang linggo na akong namamalagi dito sa Villa Fortalejo. Hindi ko alam pero parang nahuhulog na ang loob ko sa pamilya ni Leon. Napakabait nilang lahat sa akin. Hindi nila ipinaparamdam na hindi ako parte ng pamilya nila. At si tito William, na mas kilala sa una nyang pangalan na Alejandro ay napakabuti ring tao. Ganun din ang kapatid ni Leon na si Chase. Sa dalawang linggong iyon ay mas lalong napapalapit din ang loob ko kay Leon. Kahit abala sya sa kanyang trabaho ay nagagawan nya parin akong paglaanan ng oras. Masaya rin ako at dinadalaw ako ni Zee dito sa mansyon paminsan minsan."Mukhang ang lalim ng iniisip mo Hija." Medyo nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni tita Margaret sa tabi ko.
"M-Mayron lang po akong inaalala." Ngumiti naman sya bago hawakan ang magkabila kong kamay.
"Magiging maayos din ang lahat, Hija." Gumaan naman ang loob ko sa sinabi nya.
"Sana nga po tita. Sana po ay bumalik na ng tuluyan ang ala ala ko."
"Huwag kang mag-alala. Sa nakikita ko ay mabilis ang recovery mo." Sabi nya ng may kasiguraduhan. Tinanguan ko naman sya bago tumingin sa bintana.
Umuulan ngayon sa labas kaya tahimik ang buong Villa. Tanging ang tunog lang ng ulan ang maririnig mo sa buong paligid.
"Pwedi po ba akong bumisita sa amin bukas?" Maya maya ay tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Magpasama ka nalang kay Leon. Teka, na bobored ka na ba dito?" Umiling iling naman ako. Hindi naman kasi ako nabobored dito sa mansyon. Natutuwa nga ako dahil napakabait ng mga trabahante nila. Minsan nga tumutulong ako sa mga gawain sa plantasyon.
"Naku tita hindi po. Gusto ko lang po kumustahin ang tatay Rodrigo." Ngumiti naman sya bago tumango.
"Nagbibiro lang ako Hija. Sige na magpahinga ka na muna. Magluluto muna ako ng pang hapunan. Darating daw kasi si Mayor." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ang ibig nya bang sabihin ay si Mayor Valderama?
"Oo nga pala. Matalik na magkaibigan ang mga angkan namin." Gulat parin na napatango nalang ako. So ibig bang sabihin non ay matagal ng magkakilala si Leon at Enrico? Oo nga pala dumating na si Enrico noong nakaraang linggo at binisita ako dito. Subalit wala noon si Leon nong bumisita sya. Wala rin ang iba pang Fortalejo, tanging ako lang at ang mga kasambahay ang naiwan non.
Matapos magpaalam ni tita Margaret ay iniwan na nya ako doon. Nandito pala ako sa azotea. Nakaupo lang habang hawak hawak ang sketch pad at lapis na binili sakin ni Leon. Teka, nasabi ko na ba sa inyong marung akong gumuhit? Kung hindi pa ay oo. Marunong akong gumuhit. Pero kadalasan ay mga damit at kalikasan ang ginuguhit ko. Natutuwa nga si tita Margaret nong malaman nyang marunong pala akong gumuhit ng mga damit. Isa raw kasi syang fashion designer at magaling sa larangan ng pagguguhit ng mga modernong mga kasuotan. Kaya nga sikat na sikat sya sa fashion industry eh. Mangilan ngilan sa mga gown na nagawa nya ay naisuot na ng mga tanyag na Hollywood actress at models kagaya nila Cara Delavigne, Kristine Stewart, Chloe Moretz at marami pang iba. Siguro kung nakapag-aral ako ng kolehiyo ay fashion designing din ang kukunin ko o di kaya ay architect.
Huminga ako ng malalim bago pumikit at inaalala ang mga memoryang naglalaro sa aking isipan nitong mga nakaraang araw..
"Mama, kailan po tayo babalik sa Maynila?" Tanong ng isang bata na nakikita ko ngayon sa isipan ko. Alam ko namang ako yon. At ang kausap ng bata ay ang yumao kong ina. Unti unti lang kasing bumabalik ang mga ala ala ko noong bata pa ako nitong mga nakaraang araw.
"Sa susunod na buwan anak pag dating ng papa mo." Nakangiting sagot ni mama. Literal na napangiti naman ako nang ma alala ang kanyang magandang mukha at nakakapagpagaan ng loob na mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔
General FictionFORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babaeng akala mo ay kung sino sinong lalaki ang pinapaligaya para sa kakarampot na pera? Ngunit papaano k...