Chapter 19: Hospital Wedding

78.3K 1.3K 136
                                    

Anong ibig sabihin nito? Bat wala akong mahawakan?



Nanginginig na muli akong napatingin sa taong may suot na maskara. Teka, tao nga ba sya?



"B-Bakit wala akong mahawakan?" Tumatangis kong tanong sa kanya na nginisihan nya lang bago marahas na hinablot ang kanang kamay ko..



"Sumama kana sa akin nang matapos na ang paghihirap mo." Ngayon naman ay matalim na ang mga mata nito. Pilit akong nagpumiglas subalit napakalakas nya.



"Ayaw kong sumama sayo! Mag-aalala si Leon pag nalaman nyang nawawala ako!"



Dyosko, baka nag-aalala na sa akin si Leon. Nasan ba kasi ako! Bat andilim at walang tao sa paligid?



"Wala kanang Fortalejong babalikan, Garcia." Pagkatapos ay hinila nya ako ng pagkalakas lakas na halos magkanda tapilok ako sa ginagawa nya. Hindi ito maari. Kailangan ko syang matakasan at makalabas sa lugar na ito!



"Bitawan mo ako!" Buong lakas na hinablot ko pabalik ang hinahawakan nyang kamay ko.



Muli akong tumakbo papalayo sa kanya. Hinihingal.. Pawisan.. Nanginginig at Naguguluhan.. Samot saring emosyon na nag-uunahan.



"Tumakbo ka hanggang sa iyong makakaya." Muli na naman akong nangilabot sa tono ng boses nya. Para syang isang demonyong napakabagsik.. Nakakatakot.. Nakakakilabot..



Lumiko ako sa isa na namang iskinita. Nagbabakasakaling may taong makakasalubong subalit kadiliman at katahimikan na naman ang syang bumabalot sa kapaligiran. Muli na namang umusbong ang mga luhang pagod na sa pag-agos kani kanina lang.


Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Napakahirap naman ng ganito. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin ngayon. Totoo bang patay na ako? Bakit nandito ako sa lugar nato? Nasan sila? Si Leon ko.. Ang Villa.. Sina Zee.. Si Papa..



Napaupo nalang ako sa semento habang humahagulgol.. Nalilito ang isipan ko. Natatakot ang puso ko. At napapagod na ang katawan ko. Unti unti akong pumikit.. Nararamdaman kong humihina na ang pintig ng puso ko at nahihirapan narin akong huminga.


Katapusan ko naba talaga?



---------------



"You promised to marry me.."



May naririnig akong boses at alam kong kay Leon iyon. Bat sya tumatangis? Pinipilit kong ibukas ang aking mga mata at igalaw ang aking katawan subalit hindi ko magawa.



"But why did you leave me like this?" Damang dama ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nasasaktan sya.. Nasasaktan ko na naman sya..



"Please.. Please don't leave me, mahal. Hindi ko kaya Levi." Pinipilit kong makawala. Pinipilit kong gumalaw. Kailangan kong bumalik. Kailangan kong mabuhay. Ayaw kong iwan si Leon. Ayaw ko syang makitang nasasaktan. Mahal na mahal ko sya..



Sinubukan kong huminga.. Isa.. Dalawa.. Subalit wala parin. Nahihirapan na ako. Alam kong patay na ako ngunit hindi ko pa gusto. Kailangan ko pang pakasalan si Leon. Magkaka anak pa kami at bubuo ng isang masayang pamilya..


Muli kong sinubukang huminga...



May nararamdaman ako.. N-Nararamdaman ko ang pintig ng puso ko. May kaunting hangin narin akong nalalanghap.. Pagkakataon ko na ito. Kailangan kong idilat ang aking mga mata..



Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon