Chapter 18: Too much pain to handle

58.5K 1.3K 141
                                    

May humahabol sa akin. Hindi ko makita ang mukha nya. Natatabunan ng isang puting maskara ang kanyang mukha. Nakasuot sya ng isang itim na jacket at itim na pantalon.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Inilibot ko ang buong paningin ko sa paligid. Nasaan ako?


Takbo Levi...


Parang may bumubulong sa akin na tumakbo at lumayo doon sa lalaking may puting maskara. Hinihingal ako. Pagod na ang mga paa ko sa kakatakbo subalit wala akong makitang ni isang tao sa paligid.


Madilim.. Maputik.. Tahimik.. Anong lugar ba tong napuntahan ko? Nasan ba talaga ako? Nasan si Leon? Si Zee? Si Enrico? Nasa Villa Fortalejo ba ako?


Malapit na sya Levi..


Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang bulong na yon. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok non. Napalingon ako sa aking likuran.. Dyosko! Malapit na sya. Natatakot na talaga ako.


"Hindi mo matatakasan ang nakaraan Levi." Nangilabot ako sa tono ng kanyang boses. Sino ba sya? Bat nya ako sinusundan? Bat nya ako Hinahabol?


Tumatakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa isang iskinita. Lumingon ako sa kanan.. Sa kaliwa.. At sa Likod.. Teka nasaan na yong humahabol sa akin?


Bumilis ang ihip ng hangin kalakip non ang unti unting paghina ng pintig ng puso ko.. Nahihirapan akong huminga.. Bat ang lakas ng hangin ngunit wala akong malanghap? Ano ang nangyayari?


"Oras na para sunduin kita." Halos ma tumba ako sa kinatatayuan ko nang makitang nasa harapan ko na pala yong humahabol sa akin.. Nakakakilabot.. Takakatakot.. Bat ganun ang boses nya? Ano ang ibig nyang sabihin? Gusto kong magsalita.. Gusto kong sumigaw ngunit parang may bumara sa lalamunan ko na kahit paghinga ay nakakalimutan kung gawin..


Nakangisi sya.. Mapupungay ang mga mata sa ilalim ng puting maskara.. Unti unti syang lumalapit sa akin.. Kailangan kong tumakbo! Subalit bat parang naninigas ang mga paa ko? Bat hindi ko ito maigalaw? Dyosko!


"Hindi mo na ako matatakasan." Kasabay non ang malademonyo nyang halakhak.. Unti unti ng tumutulo ang mga luha ko. Nanghihina na ang buong katawan ko. Ilang sandali nalang ay nararamdaman ko ng matutumba na ako sa kinatatayuan ko.


"S-Sino ka.." Sa wakas ay naibukas ko rin ang aking bibig.. Napahinto sya sa kanyang halakhak. Matatalim ang mga matang ipinukol nya iyon sa akin bago ito ngumiti ng nakakatakot..


"Ako ang naatasang sumundo sa iyong kaluluwa." Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. Ano ang ibig nyang sabihin? Bat nya susunduin ang kaluluwa ko? Buhay pa naman ako ah!


"Yon ang akala mo. Subalit patay kana Levi.. Patay kana."


Umalingawngaw sa katahimikan ang huli nyang sinabi. Mas lumakas ang ihip ng hangin na pati mga lantang dahon ay nagsisiliparan na sa kawalan.. Napaatras ako nang muli na naman syang lumapit.. May natapakan akong isang bagay at pagtingin ko ay isa pala itong bato. Mabilis na pinulot ko iyon para ibato sa kaharap ko subalit bat hindi ko ito mahawakan? Lumalagpas ang kamay ko sa bato sa tuwing hahawakan ko ito..


Anong ibig sabihin nito?




**LEON's POV**

I was in the middle of our meeting when suddenly my phone keep on ringing. Hindi ko nalang iyon pinansin. I switched it to silent mode. After all, 30 minutes nalang naman ay matatapos na ang meeting nato.


Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon