Chapter 13: Unang araw sa kolehiyo

66.8K 1.1K 59
                                    

Natatawang pinagmamasdan ko si Leon habang kumikending-kending ito papasok sa kwarto nya. Baliw talaga ang lalaking iyon.


Katatapos lang naming maghapunan at mag-ayos ng mga pinamili naming gamit ko sa iskwelahan para bukas. Noong nakaraang buwan nasurpresa ako sa sinabi ni tita Margaret at tito William na papag-aralin nila ako sa kolehiyo. Hayskul lang ang natapos ko at nahinto na ako sa pag-aaral noong magkokolehiyo na ako kasi wala na raw pangtustos si Rodrigo sa aking matrikula. Syanga pala, anim na buwan ng nakakulong si Rodrigo sa bilibid at noong dinalaw ko sya doon ay humihingi sya ng tawad sa lahat ng nagawa nya sa akin. Hindi ganon kadali magpatawad pero masaya narin ako dahil pinagbabayaran na nya ngayon ang mga ginawa nya.


Dalawampung taon syang mabibilanggo dahil narin sa iba nya pang kaso. Hindi ko alam na drug dealer pala ito at may rape case sya noong hindi pa sila ikinasal ni mama. Mabuti nalang talaga at hindi nya ako ginahasa nong nandon pa ako sa pudir nya.


Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko na naman ang gabi ng panggagahasa sa akin. Hindi madali para sa akin ang mga nakalipas na buwan. Gabi gabi kong napapaginipan ang mga nangyari at sa tuwing nag-iisa ako ay bigla bigla nalang sumusulpot ang mga ala alang iyon. Araw araw din akong nasasaktan dahil hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng aking isipan. Nagpapasalamat nalang ako dahil palaging nandyan si Leon para pagaanin ang loob ko sa tuwing binabalikan ako ng nakaraan.



Balik tayo tungkol sa pagpapa aral sa akin. Yon nga, noong isang linggo ay na enroll na ako ni tita Marj doon sa paaralang pagmamay-ari ng kakilala nya. Tungkol sa fashion designing ang kurso ko. Yon din naman kasi ang gusto ko noon pa man. Na maging isang mahusay na fashion designer. Ang sabi ni tita Margaret ay hindi iyon imposible dahil sa aking kong galing sa pag guguhit. Dapat ko lang daw itong hasain pa. At nandyan lang daw sya para gabayan ko.



Hindi sapat ang salitang pasasalamat sa lahat ng naitulong sa akin ng pamilya ni Leon. Halos mag-iisang taon na ako sa pudir nila at ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng sama ng loob ni isa sa kanila. Kahit napakakulit at palagi akong binubwiset ni Chase ay hindi nabubuo ang araw ko pag hindi nya ako iniinis. Kahit minsanan lang umuuwi ng mansyon si Rafael ay hindi nya nakakaligtaang dalhan ako ng pasalubong at makipagkwentuhan sa akin hanggang hindi sya binabatukan ni Leon. Napakaseloso kasi nong kulangot na yon. Kaya palagi syang niloloko ni Chase.



Si tita Margaret at tito William naman ay tinuturing ko ng pangalawang magulang. Sabi nila ay parang anak narin daw ang turing nila sa akin. Yong mga pinsan naman nila Leon na madalas bumibisita sa mansyon ay maayos din ang turing sa akin. Si ate Kaycee yong pinakamatanda sa lahat dahil isang taon pa ang tanda nito kay Rafael, ang pinakagusto ko sa lahat dahil masarap at masaya itong kasama. Isang syang dentist at minsan na nga nyang nalinisan ang ngipin ko. Nakakahiya tuloy.



Si Dara naman yong minsan ding nakasama naming kumain noong unang araw na dinala ako dito ni Leon ay mabait din. Napakaganda nya gaya ni ate Kaycee. Bakas na bakas sa itsura ang pagiging Fortalejo nila. Isang taon ang tanda ko sa kanya. At si Nicholas ang nag-iisang pinsan nila sa mother side na nandito sa pinas ay naaalala ko na. Sinabi nya rin sa aking crush nya ako. Kaya sa tuwing bumibisita sya sa mansyon ay pinupukulan sya ng masasamang tingin ni Leon. Loko talaga yon! Dalawang taon naman ang tanda ko kay Nicholas.



Napaigtad naman ako nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko naman iyon at sinagot ang tawag.



"Hey pretty!" Napangiti naman ako sa pambungad nya sa akin.



"Baka ma-pretty ni Zee yang mukha mo pag nalaman nyang tinatawag mo akong ganyan. Ayaw non na tinatawag akong maganda kasi hindi nya raw matanggap." Natatawa kong sabi kay Enrico. Narinig ko namang napatawa sya ng mahina.



Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon