Introduction
Ako po si Mikaela Rodriguez, 15 years old at ang nag-iisang anak na babae sa pamilya namin. Si kuya ay matanda sakin ng tatlong taon. Si dady ay may-ari ng isang sikat na company. Si momy naman ay nagmamay-ari ng isang restaurant. oh diba? bongga ang trabaho ng parents ko. Yaman namin noh? Wahehe...
Pero wala ako pakialam sa pera namin... di naman ako mukhang pera eh!
Di din ako spoiled noh! Hehe... medyo lang...
Pero ayaw ko talaga mamuhay prinsesa sa amin. Ayaw ko na makulong lang sa palasyong bahay namin kasama ng mga maids at ng kuya ko. Ang booooooooorrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnng!!!!!
Di ko kasi makayanang wala ng ginagawa. Alam niyo yun? Yung feeling na parang walang kwenta ng buhay pag laging nakaupo at nag-uutos sa mga katulong?
Kaya eto ako ngayon....
"Hhhhhaaaaaaayyyyyaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!"
"Eto pa sa'yo! Dapat lang sa'yo yan! Yaaaaaaaahh... kulang pa yan!!!!!!"
"Tama na po!" pagmamakaawa ng loko. kanina ang tapang-tapang lang eh!
"Wag mo nang uulitin yun maliwanag?" sabi ko habang hinahawakan siya sa buhok niya.
"Opo opo"
"Good"
Ang duwag naman nito. Pinakawalan ko na at kumaripas siya ng takbo. Tumingin ako sa paligid ko. Pinakawalan na din ng mga kasama ko ang mga mokong. Tsss! Kanina kung makaasta parang ang gagaling lang eh! Mga walang kwenta. tsk tsk.
"Mik tingnan mo 'to oh. duguan na. huli na ata tayo eh" sabi ni Reed
Linapitan ko ang lalaking nakahiga. tsk tsk. isa pa 'to eh. kung bakit naman kasi pumunta siya sa lugar na gaya nito. .at nakasuot pa ng mamahaling damit! natural pag-iinteresan siya! Pasaway talaga.
"Kawawa naman 'to. ang gwapo pati. sayang ng mukha" nasabi ko nalang
"Tulungan niyo ako buhatin siya" sabi ko sa mga kasama ko.
Ayun pinagtulungan naming iupo siya sa gilid.
"Anong gagawin natin sakanya?" tanong ni Sander
"Bubugbugin San. MALAMANG GAGAMUTIN!" sagot ko sabay roll ng eyes. Napaka walang kwentang tanong. tsss!
"Eto naman si Mik, sinisigurado ko lang.hehe. meron ka ba ngayon?"
"Hanep kung makatanong!" tumayo ako at mag-aakmang susuntukin siya! Psh! kala naman niya di ko siya uurungan. porket ako lang ang babae dito. pero alam ko nagjojowk lang siya. love na love ako ng mga kasama ko sa gang namin eh. kung wala ako, wala silang pera...-________-
BINABASA MO ANG
where's my princess?
Romancekilala siya ng lahat as a princess... responsible, intelligent, admirable, pretty, a good daughter, religious... ilan lang yan sa magaganda niyang characters... her parents believe she's a perfect daughter... but she's a gangster... can you believe...