Reed’s POV
“Sige Ann una na ako. Salamat…hehe”
Nandito na kami ngayon sa harapan ng girl’s building. Kagagaling lang namin sa amusement park… hehe… napapangiti nalang ako pag naaalala ko ang pinagagawa namin dun. Ang ingay-ingay din pala ng babaeng ‘to at kahit saan ako dinadala at pinapasakay… buti nga di ako pareho ng iba na madali masuka. Napanalunan ko din siya ng isang panda. Ang swerte ko ngayon ^___^
“Hehe… salamat din. Sige, see you tomorrow”
Nagwave siya sakin at pumasok na
Wala man lang kiss??
Haha… jowk lang… nanliligaw palang nga ako tapos kiss na agad?? Masydo naman ata yun demanding. Hahaha! Tama! Nanliligaw na din ako sakanya sa wakas! Bwahahaha!
Nakangiti pa rin ako nang makasalubong ko si Jack
“O Reed… ang saya natin ngayon ha?” tapos nagsmirk siya
Sabi na nga ba at mapapansin niya =_______=
“Che! Wag mo sirain ang gabi ko”
“hahaha! San ka pupunta? Gabi na ah. Baka makita ka pa ng guard”
“Weh? At kelan ka naman nag-alala sa guard ha?”
“Ako? Nag-aalala? Asa”
“Kukunin ko pala motor ko” di na sana ako magpapaalam sakanya pero parang ang bastos naman nun na pupunta ako sa garahe niya ng walang paalam kahit nakita ko naman siya
Tiningnan naman niya ako ng parang nageeksperimento… ok? So naging specimen ng wala sa oras??
“What?” tanong ko
“San ka pupunta?”
“*Sigh*… sa sementeryo” brrr! Kinikilabutan pa rin ako kapag iniisip ko na pupunta ako sa sementeryo sa ganitong oras!
Alam niya din pala na death anniversary ngayon ni Chris. Di niya kasi ako tinitigilan kanina hangga’t di ko sinasabi kung anong meron kay Mika ngayon
“Alam mo naman ang code nun”
Nagnod ako at pumunta na sa dapat pupuntahan
Marami pa ang dapat kung sabihin sa puntod niya =______=
Kahit kinikilabutan ako dito napangiti pa rin ako nang makita ko ang dalawang cookies at isang plastic cup ng chuckie na iniwan nila
“Hi Chris! Di mo pa pala kinakain ‘tong gawa ko sa’yo… hmmm…”
BINABASA MO ANG
where's my princess?
Romancekilala siya ng lahat as a princess... responsible, intelligent, admirable, pretty, a good daughter, religious... ilan lang yan sa magaganda niyang characters... her parents believe she's a perfect daughter... but she's a gangster... can you believe...
