Chapter 61.5

2.2K 26 9
                                        

Ethan’s POV

 

Kaunti nalang ang tao na pumapasok at lumalabas sa ospital di katulad kanina

Nagsialisan na din ang mga sa media

Kanina punong-puno sila dito

Sino ba naman kasi ang hindi papalampas sa iskandal sa pamilya ng mga Rodriguez?

Psh.

Buti sila yun ang iniisip nila… di man lang sumagi sa isipan nila na malaking problema ng pamilya Rodriguez ang nangyari.

Kung wala lang pulis kanina, pinagsisigawan ko na ang mga yun.

Tsss..

“Sir sasakay ka po?”

Napatingin ako sa tumigil na taxi sa harapan ko

Tumango lang ako at pumasok sa loob

Di ko na binalik sa bulsa ko ang susi na binigay ni Mika

Para saan naman kaya ‘to?

Tumingin ako sa labas.

Ang liwanag pa din  kahit sa ganitong oras

Pero unti nalang ang sasakyan

Kung di sana nangyari ang pagkahuli kay Mika ni Roanne marahil nasa labas naman ang gang nila sa ganitong oras

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon