Chapter 57

2.3K 31 6
                                        

A/N: Hi readers! first of all gusto ko lang po humingi ng maraming sorry sa matagal na hindi pagupdate.masyado kasi nabusy sa skul tapos nagkasakit pa ako sa mata :(

Anyway, sana di po kayo nagalit.

Comment and vote po after magbasa aaa. thanks ^_^

Mika’s POV

“Lo wag niyo kalimutan inumin ang gamot niyo ah, sabi ni Manang Rosie sakin ang payat niyo na daw” sabi ko sa kabilang linya

Ang pasaway naman kasi nito ni lolo

Porke’t di na ako nakakadalaw sa kanya, pinapabayaan na din niya ang sarili niya

Puro business pa din ang inaasikaso =________=

“Princess, matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kumusta si Ethan? Balita ko nag-away daw kayo”

Kahit kelan, updated masyado si lolo -______-

“Ewan ko dun. Eh basta lolo wag niyo pabayaan ang sarili niyo. Tsaka wag ka lagi magpupuyat”

“Iniiba mo naman princess ang usapan”

“Kaw kaya ang nag-iiba. Sige na po at magsisimula na ata ang program at masyado nang natataranta ‘tong si Ann”

Inirapan ako ni Ann

Di naman talaga siya natataranta. Haha. Nadamay pa.

Eh kaso ayaw ko pag-usapan si Ethan, sigurado ang daming sasabihin nito ni lolo tungkol dun

“Oh sige sige, pero di ka pa din makakatakas sa tanong ko. Padalhan mo ako ng pictures princess. Love you”

“Love you too lolo”

Binaba ko ang telepono at umupo sa tabi ni Ann

“Parang nanay lang?”

Inirapan ko siya at kinuha ang unan ng sofa

“Eh kasi naman, sabi ni Manang Rosie nanghihina na daw si lolo. Etong secretary naman niya, di man lang sinabi sakin at kung di pa talaga dumalaw si Manang sa hacienda, di ko pa malalaman”

“Alam mo bhez, parang may something jan sa secretary ng lolo mo” sabi niya habang nakatingin sa kesame

“Something… huh?” tanong ko

Tapos na kami mag-ayos para sa ball mamayang 6 ng gabi at inaantay namin ngayon sila Reed

“Eh basta. First time ko palang makita yun sa party mo, kinabahan na ako”

“Psh. Porke’t maganda? Haha. Give the girl a break. Siya lang nga ang nakatagal kay lolo eh”

Nagring ang door bell at tumayo siya

“Tsss.. bahala ka. At hindi ako insecure sa mga magaganda noh. Basta mag-ingat kayo dun” pahabol niya

Tumayo ako at sinundan siya papunta sa pinto

Andun nga si Jack at Reed sa labas

Pupunta kaya si Ethan?

Eh bakit ko ba yun tinatanong?

Tsss.

Ilang weeks na din ang nakalipas pero hanggang titigan lang kami

Ako pa yung nauunang umalis ng tingin

Biruin niyo yun?

Siya lang ang nakapag ganun sakin =__________=

“Hoy!”

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon