Chapter 9

4.4K 44 1
                                    

Jack’s POV

Bakit ba lagi ganito ang sitwasyon ko?

Bakit lagi nalang pareho ang nagugustuhan namin ng kapatid ko??

Di ko alam kung kailangan ko nanaman magparaya…

Kelan ba mangyayari na siya nanaman ang magparaya?

Kaso ako ang panganay eh… pinalaki ako na sa isip ko dapat si Ethan muna bago ako.

Okay naman yun sakin… pero pagdating sa… ahy naku… wag na nga muna niyan. Ang mahalaga ligtas si Mika… Ang galing ng nakalaban naming gang kanina… Nagkasugat sugat ako dahil sa pagligtas sakanya. Di niya yun alam pero masaya ako na nandun ako para protektahan siya kahit pa ang galing-galing niya.

Tumayo siya pagkatapos ako gamutin then nagyaya na umalis.

"SIge tol, mauna na kami sa'yo" pagpapaalam ni Sander dun sa lalaking nabugbog.

"Teka lang, iiwanan mo siya dito? Baka bumalik pa yung nambugbog diyan, sayang naman ng pagligtas at paggamot natin. Iangkas mo yan hanggang dun sa mga matao" pagkasabi niya nun dumiretso na siya sa motor niya.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya. Sabihin niyo nang gangster mode siya ngayon pero mabait pa rin siya kahit ganyan ang way niya magsalita.

At akala ko ako lang ang nakatingin sakanya ng ganito...

pag tingin ko sa dalawang naiwan.

Aba! kulang nalang maglaway! Grrr!

Eto namang nabugbog, kung wala lang 'tong girl friend baka isama ko pa siya sa mahabang listahan ng karibal ko >_<

Ang lakas talaga mangtama nito ni Mika.

"Hoy! ANo pa ang tinutunganga niyo jan? Kung ayaw niyo pa umalis, mauuna na ako. Kailangan ko makita si Ann"

Nagmadali na ako sa paglakad

"Yan kasi tutunga tunganga pa" pahabol na bulong ko kay Sander

"Nagsalita ang hindi!" sigaw niya.

Nakita pala niya ako -_______-

Gaya nga ng sabi ni Mika, binaba namin si Nico sa lugar kung saan marami na ang tao. Gabi na din kaya nagmadali na kami papuntang ospital.

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon