Chapter 43

3.1K 52 17
                                        

Mika’s POV

“Bhez bilisan mo! Baka wala na tayo maabutan”

“Bakit ba masyado ka excited?” sigaw ko

Sinuot ko ang kwintas na bigay ni Ethan at umalis na din dun sa kwarto

Masyado naman kasi nagmamadali

Wala naman maganda na ipapakita sa canteen

Tsk

“Makikita ko kasi kayo ni Ethan” ngumiti siya ng malapad

Nagroll lang ako ng mata

“Di ka pa pala nagsasawa sa mukha namin. Halos araw-araw mo na kami nakikita”

Sumunod ako sa kanya palabas ng suite namin

“Haha. Funny bhez. You know what I mean. Tsaka isa pa, araw-araw din kayo nagbabangayan. Minsan nyo lang ako pakiligin kaya dapat di ko ‘to palampasin”

Masyadong OA talaga ang babaeng ‘to

“Di ka nga sigurado na ang music video namin ang ipapakita dun. Psh”

Nauna na ako maglakad sakanya

Siya kasi ang naglock ng pinto namin

“Sino nagsabi na di ako sigurado?”

Inirapan ko lang siya

Tssss.

Whatever

Sana mali siya

Nakita ko na yun na video eh

And believe me

Nagdalawang isip pa ako ipasa yun

Tsk

“Mukhang ang daming nagising ng maaga” narinig kong sabi ni Ann pagdating namin sa canteen

Err…

Tama nga siya

Puno ng estudyante ang canteen kahit ganitong oras at wala pa kami pasok ngayon since opening na ng Gaitlin day mamayang ala una

“Pabayaan mo. Gutom na ako” pumunta ako sa kuhaan ng pagkain

Naramdaman ko naman na sumunod siya

“Ang KJ mo talaga”

Kumuha din siya ng tray at nakilinya

“Alam ko. Araw-araw mo sakin pinapaalala yan”

Totoo yan

Every time kasi na yinayaya niya ako sumama sa kanila ni Reed, tumatanggi ako

Which is… everyday

Alam niyo naman siguro kung bakit ako tumatanggi diba?

Palaki at palaki at parami ng parami ang mga alaga nilang langgam

Masyado nakakaOP

“Ah basta. KJ ka pa rin. Bagay talaga kayo ni Ethan”

Tiningnan ko siya ng masama saka kumuha ng apple at naglakad papunta sa usual spot namin dito sa canteen

Buti naman at wala pang tao dun

Lahat ng nadadaanan ko na mga estudyante, tingin lang ng tingin sa TV na nakadikit sa wall

Sana nakalimutan na ni Ms. Gonzales

“Ang tagal naman” sabi ni Ann pagkaupo na pagkaupo niya

“Sino? Si chuckie mo?” tanong ko habang inaalis ang breakfast ko sa tray

“Duh? Ang video. Papunta na sina chuckie… actually andito na nga sila. Chuckie!”

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon