Chapter 27

3.5K 64 7
                                    

Mika’s POV

 

“Guys nagsimula na ba kayo sa mga project niyo? Malapit na ang deadline nun” pagpapaalala sa’min ni Ms. Gonzales

“Yup”

“Opo”

“Yes”

At iba-iba pang chu chu ang mga pinagsasabi nila dun nang biglang tumaas yung kamay ni Sander

“Yes Mr. Alexander?”

Hahaha! Natatawa pa rin ako sa complete name ni Sander. Siguro junior to. Pff.

“Ahm… ano pong project ang pinagsasabi niyo?”

Walang galang =_____=

“Gagawa kayo ng partner mo ng tatlong music video”—Ms. Gonzales

“Sino po partner ko?”—Sander

“Err..”

Tiningnan ni Ms. Gonzales ang record niya at after ng ilang minutes inangat na niya ulo niya at ngumiti

“Your partner will be Ms. Vallez since she doesn’t have partner yet”

“But ma’am, gusto ko magsolo” sabi nung babae na nasa hulihan

“I’m afraid you have no choice. Pinayagan lang kita na magsolo kasi odd number ang klase niyo pero ngayon na may isa nang student na available to be your partner then whether you like it or not, you’ll be his partner”

Nakita ko na tumingin si Sander dun sa babae na parang pinartner siya sa pinakapangit na tao sa buong mundo. Yung babae naman tinititigan siya ng masama.

Uh-oh… mukhang Ethan and Mika version ‘to ah… good luck nalang sa inyo XD

Pagkatapos ng klase namin which involves learning new songs tsaka yung mga notes nila, lumapit samin si Sander. May gana pang magpout =______=

Pero in fairness cute siya pag di ayos gangster… parang good boy masyado XD

“Anong mukha na naman yan Sander?”—Ann

“Tss… Eh kasi naman! Sa lahat ng makakapartner ko, dun pa sa mataray na yun”—Sander

“Okay lang yan tol. Masasanay ka din”—Ethan

“At anong ibig mo sabihin?!”—ako sabay taas ng kilay sa kanya

“Ano sa tingin mo?”—Ethan

“Ako una nagtanong -_____-“—ako

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon