Mika’s POV
Yung sobrang hilong-hilo na ako tapos ito namang “tita” ko paikot-ikot pa sa kinauupuan ko dito!
Urgh!
Ano ang ginagawa niya??
Kinikuwento lang naman niya kung pano siya lumabas dito sa mundo.
Ginawa pa akong diary
=_______=
Oo nga pala.
Kaya pala ako andito para makapaghiganti siya kay lolo.
Kay lolo na nagpaaral sakanya.
Si lolo na dahilan kung bakit nakatayo siya sa harapan ko ngayon na may maraming alahas, mamahaling pabango… at designer clothes pa ang suot niyan araw-araw.
Kaya di ko malaman- laman kung ano pa ang hinanakit niya.
Kung titiisin, dapat magpasalamat pa siya na andito siya ngayon.
Hindi yung reklamo pa siya ng reklamo… porke’t nabuhay daw siya sa hirap… porke’t kinakailangan pa niyang magtrabaho sa palengke para may makain lang sila ng nanay niya sa araw-araw
Oo. Tita ko nga si Ms. Roanne. Anak siya sa labas ni lolo pero nalaman nalang yun ni lolo nang 17 years old na si Ms. Roanne. Yun ang sabi niya. Tinago din daw kasi yun kay lolo ng nanay niya.
Eh sa tingin ko bumawi naman si lolo sakanya nang malaman niya yun.
Kaya nga pala si lolo yung nagpaaral sakanya. At ginawa pa siyang secretary niya nung di pa siya makahanap ng trabaho.
Alam ko naman na babaero si lolo dati. Pero nagsisi na siya bago pa man bawian ng buhay si lola.
“Ang problema sa inyong mga mayaman, gagawa kayo ng ikakasira ng pangalan niyo pero ang dali niyo namang takpan at takasan” sabi niya
“Tinanggap ka naman ni lolo. Ano pa bang reklamo mo?” di na talaga ako nakatiis at sinagot ko na siya.
Nakakairita na kasi.
-_________-
“Ano bang alam mo? Andun ka ba nung nagpakilala ako sakanya?”
Tumigil siya sa harap ko at hinawakan ng mahigpit ang pisngi ko
Araouch!
Grrr..
Tinapatan ko nalang ang tingin niya. Kala naman niya? Kahit pa parehong dugo ang nananalaytay sa amin, di ko siya uurungan
Ann’s POV
Pinindot ko ang doorbell sa labas ng mansion
“Ano ba yan. Ang tagal” reklamo ng katabi ko
=_______=
“Pwede mag-antay? Parang di na alas dose ng gabi. Ayan na oh. May ilaw na sa loob” sabi ko sakanya
Naramdaman ko nalang ang tingin niyang masama
Maya-maya bumukas na yung pinto
Hai. Buti nalang at si Manang Rosie ang bumukas.
Pano nalang kung ang lolo ni bhez??
“Manang! Pwede po pumasok sa loob ng kwarto na pinaglalagyan ni bhez ng mga gamit nila ni Ced?” sunod-sunod kong sabi pagkabukas niya na pagkabukas ng pinto
“A-ano? Anong ginagawa niyo dito sa ganitong oras? Asan si Mika?” sunod-sunod din niyang tanong
>.<
BINABASA MO ANG
where's my princess?
Romancekilala siya ng lahat as a princess... responsible, intelligent, admirable, pretty, a good daughter, religious... ilan lang yan sa magaganda niyang characters... her parents believe she's a perfect daughter... but she's a gangster... can you believe...
