Chapter 42

3.1K 53 20
                                        

Mika’s POV

“Mika bibilisan ko na, magsabi ka nalang kung mahuhulog ka na”

Nag roll ako ng mata

Pang-ilang beses ko na’to dito sa motor niya pero inaunderestimate pa rin niya ako

Tsk

“Psh. Whatever. Bilisan mo na. Nag-aantay na si lolo”

Kasama ko si Ethan, sabi kasi ni lolo isama ko daw pagpunta ko sa Hacienda para kunin na din diretso ang costume namin para bukas

Tsaka ewan nga kung bakit pumayag naman ‘to sumama sakin

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na din kami sa Hacienda

Binuksan ng guard ang gate at dumiretso kami sa garahe

Pinarada ni Ethan ang motor

naglakad kami papuntang mansion

Binigay niya ang helmet namin sa nagbukas ng pinto

at pumunta kami sa garden

Naandun daw si lolo eh

“Princess! Ang bilis niyo ata”

Ang bilis kasi magpatakbo ni Ethan ng motor eh

Well… not that I blame him

“Kumusta lolo?” kiniss ko siya sa cheek at umupo

Di naman daw malala ang sakit niya at pwede pa daw magamot sabi ng doctor

Yun ang sabi niya sakin

Kaso mas lalo siya pumapayat pag nagkikita kami eh

“Eto, humihinga pa din”

Tiningnan ko siya ng masama

“Hahaha! Relax lang princess. Kumusta na pala kayong dalawa? Sinagot ka na hijo?”

“Di pa eh. Ang tagal nga” sumagot naman si Ethan

Eto nanaman kami

Parang di nila ako kaharap eh

Nag-usap nanaman sila dun habang ako kain lang ng kain ng mga hinahain ng katulong sa mesa

OP ako eh

Puro business ang topic

Tapos ang balita ngayon

Tapos napunta nanaman sa family ni Ethan

Halata ko nga lang

Parang ayaw niyang pag-usapan ang pamilya niya

Tsaka every weekend, si Jack lang ang umuuwi

Lagi siya nasa academy

Whatever. Tatanungin ko nalang si Jack

Sigurado kasi ako na hindi ako makakakuha ng sagot kay Ethan

>.<

“Princess”

Ayun

Napansin na din sa wakas

:P

“po?”

“Pumunta ako kahapon sa mga pingatataguan mo ng mga gamit mo. Ang dami nang alikabok. Sayang naman ng mga yun. Ipapalinis ko sana sa katulong kaso baka may mawala”

Yung pinakapaborito kong kwarto dito sa mansion ang tinutukoy ni lolo

Dun kasi nakatago ang mga mahahalagang gamit ko

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon