Chapter 8

4.5K 45 4
                                        

“Ang tagal niyo naman” sabi ni Jack habang binibigay sakin ang motor at helmet ko.

“Bakit excited?” tanong ko naman pagkatapos ko isuot ang helmet.

“Motor race tayo” pagyayaya ni Reed.

“Sure” sagot naming tatlo.

So nagmotor race nga kami papuntang entrance ng city. Di naman kasi makakapagkarera pagnakapasok ka na sa city. Baka dakipin ka pa ng mga pulis. Nauna naman ako makarating sa kanilang apat, sumunod si Jack then si Reed and last si Ann. Hahaha… nagmoment pa ata ‘tong dalawa. Usually kasi si Reed ang nauuna sakin.

“Oi lovebirds ang tagal niyo!”—Jack

Binatukan naman siya ni Reed at inirapan ni Ann.

“Tigilan mo nga muna yang dalawa Jack. Mamaya nalang. Nag-aantay na daw satin sila Michael” oo, nagtext kasi sakin. Actually naka ten messages na sila and four miss calls. Mga atat.

So pumunta na kami sa park at andun nga ang dalawa nag-aantay.

“Oh? Bakit kasama niyo si Reed?” tanong ni Michael nung makita niyang sama-sama kaming apat.

Nagtinginan muna kaming apat then all three of them looked at me. Mga walang kwenta. Sabi ko na nga ba ako nanaman ang iisip ng palusot eh! Psh!

“Nakita namin siya nang papunta na kami dito” sabi ko nalang. Alangan namang sabihin ko kapareho namin siya ng school??

Napagdesisyunan naming mag-ikot ikot nalang sa city pati mga iskinita dinadaanan namin at nagkataon nanaman na may binubugbog dun sa sulok. Aish! Here we go again.

“Wala na talaga kayo ibang magawa noh?” sabi ko sakanila kaya natigilan naman sila sa pagbubugbog dun sa lalaki.

“Mik, ikaw nanaman. Kailan ka ba matututo ng “mind your own business”?” si Randy yun, ang maangas na lider ng gang nila.

“Eh kelan din ba kayo titigil sa pambubugbog?” tanong naman ni Michael.

“Umalis na nga kayo dito! Mangingialam nanaman kayo”

“Tigilan nyo muna yan”

“Kelan pa kami naging sunod sunuran sainyo?”

“Ayaw niyo talaga?”—Sander

“Psh! Kung hindi lang maganda yang si Mik” tapos tiningnan niya ako.

Kadiri talaga ang manyak na’to!!

Nagsilapitan naman sakin ang mga ka-gang ko at nagtawanan ang mga kasama ni Randy.

“At… teka… may kasama pa kayo…” this time si Ann na ang tiningnan niya. Parang shield na tuloy saming dalawa ang mga lalaking ‘to. Pero okay lang… lalaki sila eh… pabayaan.

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon