*JENNY's P.O.V*
Naglilibot parin kami ni Angelo sa Mall, Tumigil siya sa tapat ng isang poster na may lalaki. Ngumiti siya pero parang ang ngiti niya ay nangungulila.
"Pogi niya, no?" tanong niya.
O_________________________O
Bingi lang ba talaga ako or sadyang tinanong niya talaga ako na pogi ang nasa poster? WAHHHHHHHHHHHHH! Wag niyong sabihin na bakla si Angelo?
"Hindi ako bakla! Kung Bakla ako, hindi na kita liligawan!" Sabi niya sabay tawa.
Apo ba to' ni Professor X? o Kaya apo ni Madam Auring? "B-bakit sinabi ko ba?"
"Hindi, pero ang mukha mo kasi kanina!Haha!" Tawa lang siya nang tawa.
Tinarayan ko lang siya. Hindi parin kami naglalakad. Nakatayo parin kami dito sa may poster at tinitingnan parin niya ito. Ano ba ang meron diyan? Sino ba ang lalaki nayan?
"Magkamukha ba kami?" biglang tanong niya.
Actually, kanina ko pa napapansin na parang may halong Angelo to'. Kasi kamukha niya kasi. Pero mas pogi parin itong MAHAL KO<3 Ayieh! Anlandee ko.
"Hindi no! Mas pogi ka kaya" Sabi ko naman.
Tumawa nalang siya nang mahina. Seryoso? Mukha ba akong Clown? Palagi niya nalang akong pinagtatawanan.
"Mas pogi yan sa akin! halika na nga!" hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami.
Pumunta kami sa may SuperMarket bibili kasi ako ng iba pang gamit sa school. Nasa counter na ng najijingle na ako. Sinabi ko kay Angelo na pupuntang C.R lang ako. Noong una ayaw niya kasi sasamahan niya ako. Pero super haba ng pila. Wala na siyang magawa.
Nagsimula na akong tumakbo. Go lang ng Go! Parang si Flash lang ako nito ah! Dahil sa pagmamadali ko may nabangga ako. Hindi ko na siya tiningnan at nagsorry nalang ako. Sorry ha? Naiihi na kasi ako.
May narinig akong nasisigawan. Pero dapat hindi ko na yun pansinin. Mga 6 or 7 mins. bago ko mahanap ang mahiwagang C.R. Sa wakas its show time.XD
LUmabas na ako sa cubicle.
?______?
Anong ginagawa ng isang gwapong, matangkad na lalaki sa Banyo ng mga babae? Mas pogi parin si Angelo na mahal ko. HAHA.XD
Gulat na Gulat talaga ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakapoker-face lang siya. Syet! Baka rapist to?
Nagtitigan lang kami nang matagal. Lumapit siya sa akin. BakaRapist nga! Syet! Atras nang Atras ako habang siya naman lapit nang lapit!
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na sabi ko. Grabe! Natatakot na ako.
Nag-smirk lang siya. Nakakatakot siya para siyang demonyo. Sa paningin ko lang ha? Para na akong mahihimatay sa paglapit niya sa akin.
"You're dead!" Sabi niya
* * *
*DAMON's P.O.V*
"Ano po ba ang ginawa ko sayo?" nauutal na sabi niya.
Napa-smirk nalang ako. Seriously! Gusto kong tumawa pero I can't pinipigilan ko ang sarili ko. Ang weird kasi dahil lang sa kanya tatawa na ako? Sobrang lapit ko na sa kanya. Nakapoker-face lang ako. Siya na man nanlalaki nag mga mata.
"WAAAAAAAAAAAAH!! RAPIST!!!!!" sigaw niya bigla.
Pfft! Okay! Natatawa na talaga ako. Hindi ko na mapigilan at tumawa ako ng malakas! Nakakatawa kasi siya. Rapist agad? Haha! Sa gwapo kong to? Papatol sa kanya?