Nameless Strawberries
By: LaceyErin
“Okay ka lang?” Alam kong hindi ‘yon ang tanong na angkop sa ganitong sitwasyon pero wala na rin akong maisip na ibang paraan para malaman kung anong nararamdaman nya.
She gave a painful smile as an answer then stepped out of the car.
I’ve been keeping an eye on my bestfriend’s sister for almost three months now. She barely ate or talked… and she’s always asleep. Her MP3 player was continuously playing while her earphones were tucked in her ears. Threatened to her state, I would sneak into her bedroom every day only to check if she’s still breathing.
Lumabas ako sa kotse para sundan s’ya papunta sa loob ng bahay. Lutang ang utak n’ya habang naglalakad sa pasilyo at inunahan ko pa s’yang magbukas ng pinto para lang hindi maputol ang kung ano mang tumatakbo sa isip n’ya. Pinaupo ko s’ya sa sofa at nakatanggap naman ako ng ngiti ng pagpapasalamat.
I know she’s in so much pain that she can’t even express it herself. Gusto ko s’yang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Lagi kong sinasabi sa kanya na kung may kailangan s’ya o gusto n’ya ng kausap, nandito lang ako. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagsasalita.
Kapag tinitignan ko s’ya sa kaniyang mga mata, agad akong lumilingon sa kung saan dahil hindi ko matagalan ang nakikita ko sa mga ito. Wala na talaga akong makitang buhay sa mga mata nya.... Para s’yang taong walang kaluluwa.
“May gusto ka bang kainin?”
Umiling sya.
Ayokong bumanggit ng kahit ano mang may kinalaman sa nangyari dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka sa isang salita ko lang, kumawala ang lahat ng nararamdaman n’ya.
Sino ang may sabing katawan lang ang namamatay? She’s a living proof that a soul can die before a body could. All I have to do is to bring her back here, with me. Pero pa’no? Pa’no ko huhugutin ang kaluluwa ng isang taong isinama ang sarili n’ya sa pagkamatay ng bestfriend ko?
I held her hand and squeezed it tight. “I’ll always be here.”
Inihilig n’ya ang ulo niyasa balikat ko. Maya-maya, naramdaman ko na lang na unti-unting nababasa ang polong suot ko.
Ganito lang kami parati. Basta na lang s’yang umiiyak nang walang pasintabi. Ako naman itong natataranta at nawawala sa sarili kapag dumarating ang ganitong mga panahon. Hindi ko naman alam kung anong dapat gawin dahil hindi s’ya nagsasalita.
“B-bakit?” sambit n’ya sa pagitan ng mga luhang kumakawala mula sa walang buhay n’yang mga mata.
Gusto ko rin ‘yan itanong sa’yo. Alam kong masakit para sa’yo ang pagkawala nya pero naisip mo rin ba na nasasaktan din ako? Pareho lang tayong nawalan, pero bakit? Bakit mo sinosolo lahat ng sakit? Parati kong sinasabi sa’yo na nandito lang ako at magtutulugan tayo para makaahon sa pangungulila, pero bakit hindi ka nakikinig?