Irong-Irong Complex
By: ChrisTeppei
---------------------------------------------------------Monologo ni Reyna Cesaria
Ang reyna ay kasalukiyang nasa kanyang silid, nagbabasa ng pahayagan na ang headline ay ‘Isang Prinsesa, Ampon Daw?’ Nabahala siya sakaniyang nabasang artikulo kaya itinapon niya ito sa basurahan.
Mga walang-magawa sa buhay. Ganyan tayo, eh.Mga tsimosa’t tsismoso. Kung alam lamang talaga nila ang katotohanan (na huwag naman sana) ay tiyak kong malalagay sa kahihiyan ang royal family ko! Hindi lang iyon, sakaling malaman ni Tee-Psy ang tunay na pagkatao ng aking anak, paniguradong mapapatalsik ang aming bansang Irong-Irong sa Aphrodite Nations.
“Kung hindi baog, ay matagal magkaanak! Bakit ba ganiyan ang royal blood na nananalaytay sa lahi niyo?!” reklamo ni Ministro Tessa Cameron-Valdez sa akin minsan, isang araw. Kahit kalian talaga panira sa buhay ko ang babaeng ire. Pero kahit ganuon ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya na inilihim niya ang tunay na pagkatao ng aking anak.
"Grabe ka naman magsalita.Hindi baleng bastusin mo ako huwag lang ang lahi namin!" saway ko sa kanya.
"Pasensya na po. Sorry naman po, "sabay peace gesture niya pa. "Kailangan na talaga nating maipakilala sa kalalakihan ang inyong anak para magkaruon na siya ng asawa at mga anakna puro babae!" Pagdiinan daw ba?
"Sobrang OA mo naman Tessa! Huwag mong pamadaliin si Paula dahil seventeen years old pa lamang siya! Nag-e-enjoy pa siya sa kanyang 'teenage years' at—" hindi pa ako tapos magsalita nang bigla akong atakihin ng aking hika. Agad kongkinuha ang nebulizer ko at ginamit iyon.
"Iyan, example: May asthma kayo. Bukod du’n, may sakit pa kayo sa puso. Then, paano po kung one day kunin na kayo ni Lord at masaklap pa'y maagang ma-deds si Prinsesa Paula? Sino ang magiging reyna? Magsasanhi ng kaguluhan kung sakaling walang mamumuno sa buong bansa!"
Sa totoo lang may point siya, sisenta’y-siyete na gurang este gulang na ako’t may sari-saring karamdaman. Kaya ito na ang tamang panahon na ipakilala siya sa mga maharlikang kalalakihan. Malay nati’y may manugangin na ako’t magkaruon na ng mga apo?Pero paano nga ba sila magkakaanak?Matangkad, gwapo, matipuno ang pangangatawan, at aristokrato ang mga pinakilala ko kay Prinsesa Paula. Nakakadismaya lang na walang ni isa man sa mga iyon ang napupusuan ang aking anak. Ang iba’y sumuko kaagad at hindi na bumalik pa dahil literal niyang pinaki-kick-out sa mga guwardya ang mga kawawang boylets palabas ng palasyo.
“Oy! Bumalik na naman ang Bikonde Gaston upang suyuin muli si Prinsesa Paula!” Narinig kong sabi ng gwardiya na tiyak kong si Geoff.
Ang mga hampaslupang gwardiya! Nagke-kwentuhan habang nagta-trabaho, hala! Hindi pwede iyan sa palasyo ko! Anyways, si Biskode Gaston ng Passi Province… Nakakahanga naman na bumalik siya. Sana’y siya ang sagutin ng aking anak.
"Pustahan tayo na decline parin siya!" wika muli ng gwardyang si Geoff. Aba’t hindi parin ba nila titigilan ang pagtsi-tsismisan during working hours? Nasa tapat pa sila ng opisina ko at nagpupustahan pa!“Sige ba, pusta ko,a-accept na siya ni Paula!” Pati ang dama na si Carla pumupusta rin. Pambihira, gawin daw bang pustahan kung 'accept or decline' ang bawat nanliligaw sa aking anak?! Lalabas na sana ako ng opisina upang pagsabihan at api-apihin sila pero baka masira pa ang image ko. Kaya dumungaw na lang ako sa bintana. Natanaw ko ang aking anak na nakikipag-espadahan kay Biskonde Gaston.
Nakakamanghang pagmasdan na ito ang unang pagkakataon na hindi itinaboy ni Paula ang sumusuyo sa kanya. Maswerte ka Gaston. Hindi kaya… omg!
Sabagay, kitang-kita ko’t ramdam na nasisiyahan ang anak ko sa piling ng beinte-uno anyos na binata. Subalit nababahala ako na kung sakaling malaman ni Gaston ang tunay na pagkatao ng aking anak, mahalin parin kaya niya ito?