Sa Tabing Ilog (superjelly)

386 17 30
                                    

** This story is base on Camille Rapay’s work “Dead in the Water” **

Sa Tabing Ilog

by: superjelly

"Sa tabing ilog,

nandoon ako sa tubig

hinahayaan na lamang ang agos

na dalhin ako kung saan.

Sa tuwing ipinipikit ang aking mga mata

kung saan walang gulo

at walang buhay na kinikitil

sa tabing ilog,

kung saan ko lamang matatamo

ang aking pinakainaasam

na kalayaan at kapayapaan.

Lumulutang na lamang ang katawan

sa ilog

na walang buhay,

walang pag-asa,

at puno ng pighati.

Naghihintay

ng sasagip

mula sa aking kahungkagan."

Kung nandito lamang si Kuya sa aking tabi sa halip na nakaratay ang kanyang katawan sa kailaliman ng lupa, sana ay hindi ko nararamdaman ito.

Bigla akong nakarinig ng ingay sa may damuhan di-kalayuan na dahilan para umahon ako mula sa ilog. Kinuha ko kaagad ang aking tapis at nagbihis pagkatapos ay hinawakan nang mahigpit ang aking sibat. "Sinong nariyan?" tanong ko.

Walang tumugon. Lumakad ako palapit sa damuhan at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa alam kong may posibilidad na kalaban ang nagmamatyag sa akin.

Halos mawalan na ako ng hininga nang biglang may lumabas mula sa kalumpon ng mga damo.

Isang batang lalaki.

"Anong ginagawa mo 'ryan?!" Tumalon ang puso ko sa kaba't takot. Akala ko ay kalaban, 'yun pala ay isang musmos na bata lamang. Niluwagan ko ang pagkakahawak sa aking sibat at lumapit sa kanya.

Hinawakan ko siya sa kanyang ulo. Tahimik lamang siya pero pinilit na humakbang palayo.

Napatitig ako sa kanya. Maputi ang kanyang balat at ang buhok niya’y nagpapaalala sa akin ng kalangitan sa gabi. Lubos na magkaiba kami kung ikukumpara ang aking kayumangging balat at kulay kapeng buhok. Kahit na marami na akong naenkwentrong katulad niya, hindi ko pa rin maiwasan na maawa. Ang bunga ng kahayupan ng mga dayuhan na iyon sa mga kababaihan ng aming bayan.

"Anong ginagawa mo dito? Papalubog na ang araw, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Delikado dito, bata. Mamaya ay mapano ka pa lalo na’t baka nariyan lamang ang mga dayuhan."

"Yung sinasabi mo kanina na tungkol sa tabing ilog, talaga bang kapag nandoon sa tubig ay papayapa ako?"

Narinig niya pala ang tulang iyon. Ang tula na iyon na ginawa ni Kuya dalawang buwan na ang nakalipas. Ginawa niya iyon noong nandito kami mismong sa tabing ilog na ito.

Naupo ako sa may isang bato kaharap ng ilog. "Oo, totoo iyon. Kaya mong maging malaya mula sa mga kaguluhan. Pansamantala man, masaya pa rin na kahit konting oras ay matatakasan mo ang katotohanan."

Tinitigan niya lamang ako na wari'y wala siyang naitindihan sa sinabi ko. Isa nga pala siyang bata na hindi pa dapat iniisip ang mga ganitong bagay.

Team WarLordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon