Theme: Kwentong kababalaghan (Black_Boy)

452 13 20
                                    

The Four Aces Card

---

"Isang lalakeng may hindi maipaliwanag na sakit sa balat. Sinasabing sumpa raw ito subalit ang mga eksperto ay hindi naniniwala. Hindi lamang siya ang merong ganito, may tatlo ring nakaranas ng hindi maipaliwanag na sakit sa balat subalit sila ay pumanaw dahil rito."

----------------------------------------------------------------------------

Lubhang napakaabalang syudad ng Maynila kung saan iba't ibang klase ng tao na may kaniya-kaniyang tungkulin sa buhay ang araw-araw nagtutungo roon.

Subalit, sa dami ng mga taong iyon, mayroon at mayroong mga kapansin-pansin, gaya na lamang ng mga pulubing palakad-lakad at namamalimos. Doon sa quiapo church, marami ang gaya nila. Isa na run ang batang si Ana.

Umagang umaga palang ay nasa tapat na siya ng simbahan. Abala sa pamamalimos upang mayroon siyang makain mamayang tanghali. Nilibot niya ang kanyang paningin at nakatawag-pansin sa kanya ay ang estudyanteng abalang abala sa paghahalungkat ng bag nito.

"Palimos po, ate!" Pagmamakaawa niya nang makadaan sa kanyang tapat ang estudyante. Sa kasamaang-palad ay hindi siya pinansin nito.

Ang ngalan ng estudyante ay Sofia. Sinundan siya ng tingin ng pulubi. Napansin kasi nitong may nahulog yata mula sa kaniyang bag.

Dinampot ng pulubi ang gamit niyang nahulog. Isa lamang iyong suklay ngunit hinabol pa rin siya nito.

"Ate! Yung suklay niyo po!" anang pulubi sabay hawak sa balikat niya upang mapansin niya ito.

Agad na lumingon si Sofia at laking gulat niya nang makita ang isang pulubi ang humawak sa kanyang puting blusa.

"Bakit?" galit na tanong ng dalaga sa pulubi.

"Ah, yung suklay niyo po, nalaglag!" saad ng pulubi sabay lahad nito ng suklay na kulay itim.

"Thanks!" mataray sa sabi ni Sofia sabay hablot ng suklay.

Tumalikod na ang dalaga subalit wala sa isip siyang napalingon at nakita niya ang pulubing nakatingin lamang sa kanya. Bigla niya itong tinulak at iyon ang naging dahilan upang mapaupo iyon sa sementadong daan.

Naglakad ang dalaga papalayo sa pulubing kanyang tinulak.

Naiwang nakalugmok ang pulubing si Ana. “Mamamatay ka!” Aniya sa dalaga. Dahan dahan siya tumayo upang bumalik sa kanyang pwesto at mamalimos ulit.

Sa kabilang banda, isang lalake ang nasa kotse lang niya. Hinihintay ang kanyang tatay na nagsimba sa Quiapo Church.

Ang ngalan ng lalake ay Kyle. Hindi pa nag-iisang oras ay nainip na siya kaya bumaba siya sa kotse at tinungo ang simbahan.

Inip na inip na siya kaya kahit maraming tao ay tinungo niya pa rin ang simbahan. Napadako ang kanyang tingin sa pulubing namamalimos sa tapat ng Quiapo Church.

Napangiti si Kyle dahil sa naisip niyang kalokohan. Lumapit siya sa pulubi at niluwa ang nginunguya niyang bubble gum.

Habang abala ang pulubi sa pamamalimos ay pumunta si Kyle sa likod ng bata at nilagay niya sa buhok ng bata ang bubble gum na kanyang nginuya.

Tumakbo ng mabilis si Kyle upang hindi mahalata ng pulubi na siya ang naglagay ng bubble gum sa buhok nito.

Napahawak si Ana sa kanyang buhok at may nakapa siyang isang malambot na bagay. Nang kukunin niya na ay biglang dumikit sa kamay niya ang bubble gum.Siya ay agad na napatingin sa lalakeng tumakbo ng mabilis. Alam niyang ang lalakeng yun ang naglagay ng bubble gum sa kanyang buhok.

Team WarLordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon