Innocence
By: Shirtskirtsneakers
Eunice,
Kumusta ka na? Corny. Kaylangan gan’to talaga ang umpisa ko? Hahaha.
Siguro nagtataka ka kung bakit ako sumulat sayo ‘no? Sige nga hulaan mo.
Ennngggg. At this point paniguradong iniisip mo pa din kung bakit diba? At sa pagkakataong ‘to magtataka ka kung paano ko ‘yon nalaman at pagbibintangan mo kong binabasa ang iniisip mo. Nako yayaman ka talaga pag binenta mo yang common sense mo.
Sumulat ako dahil may mga bagay lang talaga akong gustong alalahanin kasama ka. Oh! Wag kang kiligin dyan baka mahampas mo yung katabi mo.
Naaalala mo ba kung anong meron sa SM North? Tama! Doon mo ko ninakawan ng halik habang may ongoing autograph session ako. Hindi ko makakalimutan ang halik mong 'yon, kasi first time ko makatanggap ng ganoong klaseng halik. Hindi labi ang dumampi sa labi ko kun'di yung balat sa baba ng ilong mo dahil sobrang mong inipit ang mga labi mo sa isa't isa. At take note, you’re not so gentle back then, akala ko nabasag mga ngipin ko dahil sa pwersa mo. Pagkatapos ng forceful kiss mo, nagdemand ka na panagutan kita dahil 'yon ang first kiss mo. Sa isip isip ko bangag ba 'tong babaeng 'to? Siya kaya ang naghalik. Para namang ginusto ko yun? Hanggang ngayon natatawa parin ako, remembering how innocent that kiss was. Pagkatapos 'non kiladkad ka palabas ng mga gwardya habang sigaw ka ng sigaw ng "Be my boyfriend!" "You stole my first kiss!"
Eto naalala mo? 137... Oh hindi‘yan yung Report Card mo noong high school. 'Yan lang naman yung house number namin na palagiang naka under surveillance mo. Ilang oras ka naghintay 'non bago kita babain. 3 hours or 4? Hindi ko na matandaan basta ang alam ko I was a douche back then. Iniisip ko nga 'non na ang hassle naman maging singer, amateur palang ako may stalker na. Paano pa kaya pag nagplatinum album ko? Which never happened by the way.
Going back, dahil nga napakabait at considerate kong lalaki inapproach kita para sana paalisin. You look so helpless that time, nakaupo ka sa sahig with your knees flexed towards your chest habang gumuguhit ka sa simento gamit ang batong napulot mo lang ata kung saan. The very moment I called your attention, gumuhit agad ang mga ngiti sa labi mo at napatayo ka sa pagkabigla. That time, I felt like someone was pinching my heart. Yeah it's conscience, no need to tell me. Hindi ko magawang paalisin ka, pakiramdam ko nagdadamot ako ng candy sa isang musmos.
Hindi ka nagsasalita pero panay ang sulyap at ngiti mo. Kaya naman ako na nag initiate ng conversation. Nauutal utal ka pang nagpakilala sakin at pagkatapos ay nangitim ka sa kilig. Oo nangitim ka kasi hindi ka naman kaputian diba? Pero hindi ka naiinsecure 'don, in fact proud ka dahil sabi mo ‘yan ang kulay ng tunay na pilipino. That time tinanong na kita kung bakit pinagpipilitan mong maging boyfriend ako at eto mismo ang sagot mo.
“Sayo kasi tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Kasi sabi sa nabasa kong libro pag nakita mo na yung taong mahal mo bibilis ang tibok ng puso mo kulang nalang lumabas ito, parang may glitters sa paligid at you’ll perceive everything in slow motion. At yon lahat yung naramdaman ko nung nakita kita.”
I laughed endlessly that time. It was indeed a very childish definition. Tinitigan mo 'ko, nagtataka ka kung bakit ako tumatawa. Nang mapansin ko 'yon pinakalma ko na ang sarili ko. Ang sabi ko sayo attracted ka lang sa mukha ko. That what you're feeling right then was not love but simply admiration. You disagreed. Natatandaan mo pa ba kung anong ginawa mo 'non? Yes, Hinila mo ang kamay koat inilapat mo sa blackbroard, I mean sa dibdib mo. You told me that I'm the only person who makes your heart race like that. Nang sabihin mo sakin yun, pakiramdam ko isa isang nalagas ang mga armor ko. I felt so defenceless, that any moment kayang kaya mo na akong gahasain.
![](https://img.wattpad.com/cover/7956143-288-k809787.jpg)