Eh Kasi, Bata! (TuTriSiksPorGam)

362 10 36
                                    

** This story is base on Enjelicious’s work “Goodbye” **

Eh Kasi, Bata!

by TuTriSiksPorGam

Marahang hinaplos ni Alessandra ang t’yan. Ngayon ang kanyang ika-labing apat na kaarawan, ngunit sa halip na nasa bahay s’ya at nagsasaya; naroon s’ya sa bahay ng kaniyang kaibigan. Hindi n’ya alam kung kailan s’ya makakabalik. Hindi, mali pala, ang problema n’ya ay kung makakabalik pa ba s’ya?

Nang mapadako ang paningin n’ya sa kanyang tagiliran ay nakita n’ya ang isang nakatuping puting papel. Tumigas ang kanyang panga. Bukod sa laman ng sinapupunan n’ya, ang tulang iyon na lang ang alaala sa kanya ng lalaking sobra n’yang minahal. Kinuha n’ya ‘yon at binuksan, kasabay ng pangakong ‘yon na ang huling pagbasa sa tula.

Sa’n ba naubos ang nakaraang taon?

Sa’n ba ginugol ang mga panahon?

Ngayon, aking napagtanto,

Sa mga nagawa’y walang wasto!

            Natigilan s’ya sa parteng iyon ng tula. Tila hindi na lang kasi ito mga salitang nagpapahayag ng damdamin ng isang lalaki para sa isang babae. Ito’y mga salitang nagpapahiwatig sa kanyang sitwasyon!

            Naikuyom n’ya ang palad, dahilan para magusot ang papel. Ano-ano nga ba ang mga pinaggagawa n’ya para mapunta s’ya sa kinalalagyan n’ya? Sa pagkakatanda n’ya ay isa lamang s’yang simpleng teenager na gustong magkaroon ng masayang high school life. Oo nga pala, sa simpleng teenager na tulad n’ya ang masayang high school life ay kaakibat ang salitang love life.

            Napangiti nang mapait si Alessandra sa mga naiisip. Buhay pag-ibig. Bakit pagdating sa aspetong ito, kahit ang pinakamatalinong tao ay nagiging bobo? Kailanman, ang mga magulang n’ya ay hindi nagkulang sa paalala. Laging itinatanim ng mga ito sa utak n’ya na pag-aaral ang unahin. Iba talaga kapag pag-ibig ang lumasing sa tao, kahit anong lalim ng itinanim mong prinsipyo ay nagagawang bungkalin!

            “Oliver…” sambit ni Alessandra sa pangalan ng dating kasintahan. Hindi, hindi s’ya iiyak. Tapos na s’ya do’n. Tapos na ang panahon na nagpakabaliw s’ya dito.

            Lintek naman kasing buhay ‘yan! Bakit kasi ang dali n’yang madala sa mga matatamis na salita nito? Ang bilis n’yang kiligin sa mga paglalambing at napapawi kaagad ang kanyang tampo sa simpleng panunuyo lamang. Kung nilinawan sana n’ya ang pagiisip, sana’y napansin n’ya ang tunay nitong katangian. Sana’y nakita n’ya na kapag kasama ni Oliver ang barkada nito ay nagagawa s’yang kalimutan nito. Na kahit ito ang unang sumusuko sa bawat pagtatalo, sa huli, ito pa rin ang nasusunod! Sana…sana’y hindi n’ya pinagwalang bahala ang mga ‘yon. Putragis! Puro na lang s’ya sana!

            Ang malupit pa d’yan, napagtanto n’ya lang ang mali, sa panahong kahit anong gawing balik n’ya ay wala na s’yang magagawa pa. Kasi buntis na s’ya! At ang hudyo, ayaw s’yang panagutan!

            “Pa’no nangyaring buntis ka?” ‘Yan kaagad ang mga salitang namutawi kay Oliver pagkatapos ipagtapat dito ni Alessandra ang kalagayan.

            “Kasi inano mo ako?” pamimilosopo pa n’ya. Naiinis na s’ya. Pang tangang tanong kasi ang sinabi nito. Paano ba nabubuntis ang babae? Malamang may nangyari sa kanila! Kahit ang batang hindi pa nag-aaral alam na ‘ata ‘yon.

            “Tang ‘na! Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin! Wala naman sa plano ang mabuntis ka. Ano ang plano mo d’yan?” Doon na nagsimulang matigalgal si Alessandra.

Team WarLordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon