Just Woke Up
By: pongggg
Kasabay ng pagtunog ng alarm clock ay ang pagdilat ng mata ni Mika at Justin. Para bang sinadya ng tadhana na gisingin sila ng sabay ngayong araw na ito.
Si Justin, inuna muna ang pagligo para magising gising siya dahil hindi siya gaanong nakatulog kagabi. Para bang may kung anong nagsasabi sa kanya na kailangan niyang gumawa ng paraan bago may mawala sa kanya.
At alam niya kung ano yun—ang girlfriend niya, si Mika.
He took her for granted simula nung sinagot siya ni Mika. Hindi niya ito tinetext ng una at kung magrereply man siya dito, maigsi. Hindi niya din nabigyan ng halaga ito. Mag iisang taon na ang relasyon nila pero isang beses lang sila nagdiwang ng monthsary-- yung unang buwan pa nila yun.
Alam niya kasing nandyan lang si Mika. Hindi siya iiwan, kasi mahal siya nito.Ganun kapag babae, diba?Basta mahal nila.Tapos ang usapan.
Bago magbihis, tinext niya si Mika:
Hi. Good morning! Kumain ka na ng breakfast, okay? I love you.
Just like the old times...nung nanliligaw pa lang siya. Things have changed. And it will change, again.
Si Mika naman, inuna ang pagkain ng almusal.
"Kuya, paabot yung rice please." sabi niya sa kapatid habang nakangiti.
"Maganda yata ang gising mo, bunso?" puna ng kapatid niya.
Ngumiti na lang siyang muli at sumandok ng kanin. Pinangako niya sa sarili niya na simula ngayong araw na ito, hindi na siya magpapakatanga. Ayaw niya nang magmukhang tanga sa taong hindi naman kayang magreply sa mga text niya, sa taong lumilitaw lang kapag may kailangan, at sa taong sa umpisa lang nagpakita ng pagmamahal.
Tama naman na siguro yung ilang buwang pagiging patay na patay, diba? Hindi siya trophy na pagkatapos mong makuha eh ididisplay mo na lang.
Tinignan niya ang cellphone bago maligo.
Justin <3
Hi. Good morning! Kumain ka na ng breakfast, okay? I love you.
Natawa siya. Sorry Justin, nakapagdesisyon na ako. Tama na.
Pero nag-good morning din naman siya. Gm eh. Kung kahapon lang, espesyal ang good morning kay Justin, ngayon hindi na.
Nagbago na ang mga pakiramdam. May masasaktan, may makukuntento. May matatauhan, at meron ding natauhan.
Hinintay ni Justin si Mika na makarating sa school dahil nauna siyang makarating. School bus kasi ang sinasakyan ni Mika habang si Justin naman ay hinahatid ng driver.
Nang makita niya ang school bus ni Mika, napangiti siya. Nasa unahan kasi si Mika ng sasakyan dahil ayaw nito nang naupo sa likuran kasama ang ibang mga ka eskwela. May pagka introvert kasi ang dalaga.