UMPISA

82 11 2
                                    

Nagmamadali akong bumaba ng Jeep na sinakyan ko.

Pambihira naman! First day na first day, malelate agad ako! Oo alam kong 'Most Late' ako nung Junior at Senior High pero hindi na dapat ngayon.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 8 minutes na lang at malelate na ako. Nakakainis naman kasi si kuya! Di manlang ako ginising bago siya umalis ng bahay kanina!

Natataranta akong luminga-linga sa paligid.

Lakad-Takbo na ako sa kakahanap ng room para sa unang klase ko.

Zamn! Naiiyak na ako! Ito ang rason kung bakit ayaw kong mag college. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Nung enrollment nga kasama ko pa si kuya kasi hindi ko talaga alam ang gagawin.

Isang beses pa lang kasi akong lumipat ng school para mag senior high at doon kasama ko pa mga kaibigan ko. But this time? Mag-isa ko lang. Wala akong kakilala at sa syudad pa.

Laki kasi ako sa probinsya. Probinsya na puro puno at halaman. Probinsya na hindi mo kailangang makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan para lang may maupuan. Probinsya na payapa ang kapaligiran. 

Hindi naman sa first time kong mapadpad dito sa Manila, nagbabakasyon din naman ako dati sa mga kamag anak kong taga dito kaya medyo pamilyar na rin ako sa polusyon sa lugar na ito. Pero kasi iba talaga yung feeling na dito na ako mag-aaral. This time, sa probinsya naman ako magbabakasyon at dito na ako sa syudad maninirahan. Mahirap mag adjust.

Tumingin ako ulit sa relo ko. ZAMN! 2 minutes left! Kaya this time tumakbo na talaga ako.

Tumakbo ako na parang hinahabol ng aso. Pero di pa man ako nakakalayo...

"ARAY!" Daing ko ng nabunggo ako sa pader. Padabog akong yumuko para pulutin yung mga librong nabitawan ko.

Nakakainis! Kung kelan nagmamadali saka pa... SHIX!

Nalaglag ang panga ko ng makita ang napakagwapong anghel na tumutulong sa'kin sa harapan ko. 

Imposible! Kabubunggo ko pa lang, bakit nasa langit na agad ako? Diba dapat sa purgatoryo muna ang bagsak ko?

"Mga anong oras mo balak mag sorry?" Napatingala ako sa lalaking masungit na nagsalita sa gilid ko. 

SHIX ULIT! Mas gwapo ang isang 'to! 

Pero tingin pa lang niya, alam ko ng kabaliktaran na siya ng anghel sa harap ko. Oh great! Anghel at Demonyo? Zamn! San kaya ako mapupunta? Sa langit o sa impyerno?

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon