[ Attention: Giro's no longer Gimenez. Pinalitan ko ng Gibson kaya lang nagbago isip ko. He is now GILLIEN ROSS VILKINSON. Why? Bastaaa! Haha! - eLG ]
BIL 11: Babantayan
Tinatamad akong pumasok pero no choice. Kailangan kong makipag participate para hindi magka inc.
Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni angel Jeiz. Pakiramdam ko pinaasa niya ako. WAAAH! Ang hirap talaga ng one sided love! Noong fangirl ako, OSL na ako. Hanggang ngayon ba naman?!
Andaming booths na nagkalat sa buong campus.
Gusto ko sanang magbooth kaya lang tinatamad talaga ako. Para akong pagod na pagod kahit na wala pa naman akong ginagawa.
"Lara!" Napatingin ako kay Sarie na tumatakbo papunta sa'kin. "Tara! Libot tayo!" Aya niya.
"Huh? Wala ka bang gagawin? Diba sabi mo kasali ka sa fashion show?" Kunot noong tanong ko.
"Oo nga. Pero mamayang 9 pa naman 'yon. Tara libot muna tayo!" Sabay hatak niya sa'kin. Kilala ko na ang bruhang ito. Hindi niya ako tatantanan hanggat di ako pumapayag.
Huminga ako ng malalim at "Fine" sambit ko bago nagpatianod sa paghatak niya.
Una kaming pumunta sa make up booth.
"Anong gagawin natin dito?" Tinatamad na tanong ko.
"Edi magpapamake up! Alangan namang magpapalibing?" Sarkastikong sagot niya. Err...
"Alam mo namang 'di ako mahilig mag make up diba?"
"Oo." Sagot niya. "Pero wala akong pake. Ang ganda mo kaya lalo na kapag nakamake up ka!" sabay higit sa'kin papasok sa booth. Tss...
"Ikaw na lang Sarie. Aantayin na lang kita." Tanggi ko pero agad na siyang umiling...
"Ano ka ba Lara? Libre ko, don't worry." Kinindatan niya ako.
Like duh? Hindi naman yung bayad ang pinoproblema ko. 'Di naman ganoon kabigat sa bulsa ang bente pesos!
"Hindi naman dahil sa bayad Sarie eh! Ayoko lang talaga..."
"Kaarte talaga neto! Sige na Lara! Wala ka namang gagawin today diba?" Tanong niya at itinulak na ako paupo sa harap ng isang salamin.
"Wala nga..." Sagot ko habang pinagmamasdan siyang umupo sa tapat ng isa pang salamin.
"Oh, yun naman pala eh. Edi walang problema!" Sabi niya sabay ngiti ng malapad sa'kin.
Tss... Yun na nga eh. Wala naman akong gagawin tapos magpapamake up ako? Parang timang...
"Ate, wag makapal ah?" Sabi ko sa bading na aasikaso sa mukha ko.
Narinig kong tumawa si Sarie dahil siguro napapayag niya rin ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? E sobrang mapilit ang bruhang 'to?
'Di naman nagtagal at natapos din sa pag make up yung dalawang bakla na umasikaso sa'min ni Sarie.
Lima kaming nagpapaayos. Yung isang nauna samin kanina ay tapos na rin. Pero yung dalawang dumating sa kalagitnaan ng make up session naming ay patapos pa lang.
"Told you! Mas lalo kang gumanda!" Puna ni Sarie ng makalapit sa'kin.
"Ewan ko sa'yo! Sabi mo ha? Libre mo!" Sabi ko. Bago tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.
"Akala ko ba hindi 'yon ang problema?" Natatawang tanong niya.
"Hindi nga. Pero pinilit mo ako!" Natatawa ring sagot ko.