B I L - 12

44 7 0
                                    

[ Attention: Giro's no longer Gimenez. Pinalitan ko ng Gibson kaya lang nagbago isip ko. He is now GILLIEN ROSS VILKINSON. Why? Bastaaa! Haha! - eLG ]

BIL 12: Nahihiya

Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog.

Hindi ako nakatulog kanina sa library. Nagtulog-tulugan, Oo. Sumakit nga ang ulo ko kakapilit na pumikit kanina eh.

Totoo ang sinabi niya. Hanggang sa umalis si George kanina ay binantayan niya ako. Hindi ko nga lang alam kung anong ginagawa niya habang nagtutulog-tulugan ako.

Buti na lang at nag ring ang phone niya kaya nagka rason ako para magpanggap na nagising.

Umikot ako ulit para humarap sa kanan.

"Ano ba 'yan Keng? Kagulo-gulo mo naman!" Reklamo ni kuya ng maalimpungatan dahil sa kakaikot ko.

Ala una na ng madaling araw at gising pa rin ako. Nasa taas ako ng double deck at si kuya naman ang nasa baba.

Hindi ako sumagot para mag panggap na tulog na. Hindi naman na siya ulit nagreklamo pa.

Iikot sana ulit ako para humarap sa kaliwa kaya lang baka tuluyan ng magising si kuya.

Naisip ko ulit si demonyo. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang kinuha ang phone ko at sinearch ang fb account niya.

Gillien Ross Vilkinson

Walang bagong update mula sa kanya. Nadagdagan lang ang mga nakatag na stolen shots na kuha ng mga fans niya.

Sa IG kaya? May IG kaya siya?

Sinearch ko si angel Jeiz. Hindi ko na tiningnan ang mga post. Diretsyo ko ng sinuyod ang mga following niya.

Agad kong pinindot ang account niya ng makita ko.

GiroVilkinson

Wow! Zero following pero meron siyang 16K followers? Famous!

Napakunot ang noo ko ng makita ang kanyang bio.

Philippians 4:13

Pareho kami ng bio!

Wow! Imagine? Demonyo may bio na bible verse?

Napaisip ako...

Oh, I forgot! Demoyita nga pala ako. Pero hindi naman porket mataray ako eh masama na akong tao. Nagsusungit lang naman ako kapag pinoprovoke ako.

Ganoon din kaya si Giro?

Tiningnan ko ang mga post niya. Higit 50 lang lahat ito. 54 to be exact.

Halos lahat ng post niya ay mga lugar na napuntahan na niya. Mga magagandang tanawin sa buong mundo. Rich kid huh?

Napabilib ako sa feed niya. Parang isang photographer ang may kuha. Naisip ko pa nga na baka ini-google niya lang. Pero hindi naman imposible na kuha niya ang mga ito dahil may iilang kuha siya na stolen at may hawak na dslr.

Sa pinakadulo ng feed niya ay ang nagiisang selfie niya. SHIX! Kagwapo!

Sa gwapo niya ba naman sa personal, imposibleng hindi siya photogenic. Lara naman! Utak nga minsan?

Ng nakita ko na lahat ng litrato sa feed niya, nagpasya akong lumipat ng app.

May twitter si Jeiz kaya posibleng meron din siya!

Sinearch ko ang account ni Jeiz at tulad kanina, dumiretso ako sa 4 following niya. Nakita ko kaagad ang account ni demonyo.

Clinick ko ito at tumambad sa'kin ang kanyang wall.

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon