B I L - 3

54 8 5
                                    

BIL 3: Sorry

Hindi na ako natataranta katulad kahapon. 

Sa isang araw kasi na pag pasok ko sa paaralang ito, pamilyar na agad sa'kin ang mga daanan patungo sa iba't-ibang klase ko.

Naglalakad ako habang sinusuklay ng kamay ang buhok ko. 'Di ko na kasi naharap na magsuklay sa apartment kanina. Saka di rin naman ako sanay na mag-ayos tuwing lalabas ng bahay. Nakasanayan ko na kasi. 

Dati kasi tuwing pumapasok ako sa school, talagang NO AYOS ako. Pati pag pupulbos kinatatamaran ko. Kaya kapag nakaligo't nakabihis na ako, gora na. 'Di tulad ni Donnazil, Clarizza at Jeany na maagang nagsihinugan. 'Yong tatlong 'yon, 'di nakakalabas ng bahay ng walang lipstick o kung anong kaartehan sa katawan.

Triny ko naman dati noong junior high kaya lang 'di ko talaga nahiligan. Saka 'di naman ako ganoon kapanget. 

'Di naman sa nagyayabang pero alam ko namang may itsura ako no! 'Di nga lang pang-chix Hahaha! 

Sa totoo lang, sa aming anim na magkakaibigan, ako ang pinaka pinagpala ang mukha. Napagkaitan nga lang ng tangkad. Pero okay lang. Kuntento ako. Hehehe!

Umupo ako sa natirang bakanteng upuan sa may pinakagilid sa pinakaharap. 

Kasabay naman ng pag-upo ko ang pagdating ng prof. namin. Naks! Pumasok na siya!

Itsura at tindig pa lang niya, alam mo ng mahihirapan ka sa subject niya.

Nagpakilala lamang siya at nagsimula ng magklase. 

Tama nga ako. 

Kakapasok niya pa lang pero nakalahati na yata niya ang libro kakatalak kahit hindi naman naiintindihan yung mga pinag sasasabi niya.

Tapos bago pa siya umalis, grinoup niya muna kami ng by 3 para sa ipinapagawang group work. 

Imagine? First meeting namin may group work na agad? Hayyy...

Nang nag dismiss na siya, agad ko ng inayos ang gamit ko dahil malelate na ako sa next class ko. Bukod kasi sa walang kabuluhang lesson niya at sa agarang group work, nag overtime pa siya ng 20 minutes! Grabe siya no?

"Garcia, right?" Tanong ng isang matangkad at chinitong lalaki sa'kin. Hmmm... gwapo siya!

"Y-Yes. Why?" Zamn! Nakakautal ang cuteness ng isang 'to!

"Fernandez. Max Fernandez. Magkagroup tayo." Ngumiti siya dahilan para mawalan siya ng mata. URG!!! He's so cute! Siguro anghel din ang 'sang 'to? Si kupido?

"Ah... ganoon ba? Sino yung isa pa?"

"MEEE! Garcia and Fernandez, right?" Sigaw ng magandang babae habang naglalakad palapit samin ni Max Fernandez.

"Yes" Nagkataon namang sabay kaming sumagot.

"I'm Sarie! Sarie Gonzales!" She chuckled "Kagroup niyo ako," Nilahad niya ang dalawa niyang kamay ng makalapit na siya sa'min. Tig-isa naman naming inabot iyon ni Max ng nakangiti.

"So... can we talk 'bout our G-work now?" Tanong nitong si Sarie Gonzales after the handshake.

"Uh... pwedeng mamaya na lang? Malelate na kasi ako sa next subject ko eh..." Tanong ko.

"Oo nga. May klase din kasi ako." Sabi ni Max.

"Oh yes, sure! Di naman rush. So... kelan garod?" Nakangiting tanong ni Sarie. I like her aura huh? Parang may touch ng pagkalukarit.

"Lunch?" I suggested.

Tumango agad si Max "Sure."

"Alright then. Lunch!" Pag sang-ayon din ni Sarie.

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon