BIL 4: Hinanap
Pagka-uwi ko wala pa si kuya. 'Di ko na nga halos nakikita ang isang 'yon. Masyado kasing busy sa trabaho kaya pag nagigising ako, wala na siya. Pagka dating naman niya, tulog na ako.
Kinuha ko ang cellphone kong nag chacharge.
Sabi kasi nila Sarie, ia-add nila ako sa facebook tapos gagawa na lang kami ng Group Chat para doon pag-usapan ang mga plano kung kalian gagawin ang Group Work namin.
After kasi ng walk out scene nila Anika kanina, nagmadali na kaming kumain at umalis sa cafeteria dahil sa mga pesteng chismoso't chismosa.
Matagal-tagal na rin akong 'di nakakapag fb simula ng mapadpad ako dito sa Maynila. Kaya naman heto't 'sang katutak ang friend request at notifications ko dahil sa pagsali nila sa'kin sa iba't-ibang jeje group.
Ini-scan ko ang mga friend request pero wala pang request si Sarie o si Max.
Nang tiningnan ko ang aking news feed, bumungad agad sa'kin ang panget na mukha ni Donnazil. Sumunod ang kay Donita at iba pang post ng mga kakilala ko noong high school. Nilike ko din naman.
Nanunuod ako ng vines ng biglang pumasok sa isip ko si angel Jeiz. May facebook kaya siya? Masearch nga...
Tinype ko na ang pangalan niya.
'Marcus' pa lang ay lumabas na agad ang napakadaming account. Andami namang poser ng anghel na 'to! Saan kaya ang tunay?
Inisa-isa ko ang bawat account at sa wakas nakahanap din ang tunay.
Tiningnan ko ang mga naging profile picture niya. GRABE! Ang gwapo!
Pitong beses pa lang siyang nagpapalit ng DP kaya naisipan kong i-stalk ang wall niya.
Bumungad naman agad sa'kin ang stolen picture niya kasama ang demon squad. Nakatag silang lima doon sa picture na pinost ng siguro isa sa mga fangirls nila.
Hindi ko alam kung bakit ko pinindot ang nakatag na pangalan ni demonyo.
Gillien Ross Vilkinson
"SHIX!" Sigaw ko ng makita ang DP niya.
Okay. Okay. Okay. Edi siya na ang drop dead demon!
Viniew ko ang mga naging profile picture niya.
Aaminin ko... sobra niyang gwapo!
Literal na tumulo ang laway ko ng makita ang isa sa DP niya!
Naka topless siya at naka jersey shorts. May bitbit siyang color gray na surfing board habang naglalakad papuntang dagat!
OMYGOD!
'Di ko namalayan na tinititigan ko na ng maigi ang DP niya! Buti nalang at may biglang nag pop sa notification ng phone ko...
Sienna Ariela Gonzales sent you a friend request
Agad akong nagback sa wall ko at in-accept ang request ni Sarie.
Wala pang isang minuto ng mag pop nanaman ang notification ko...
Owen Maxwell Fernandez sent you a friend request
--
Mabilis akong napatayo at napatingin sa orasan na nakasabit sa pader.
"OH MY!" Nakita kong alas siyete kinse na kaya naman agad kong kinuha ang aking tuwalya at naligo.
Late na sana ako! Buti na lang at wala kaming first class ngayon. Hindi daw makakapasok ulit si prof kaya ilaan na lang daw namin 'yong time para sa pag gawa ng Group Work.